Colon cancer sa Pilipinas 'sobrang taas na': Paano ito agapan at gamutin? | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Colon cancer sa Pilipinas 'sobrang taas na': Paano ito agapan at gamutin?
Jauhn Etienne Villaruel,
ABS-CBN News
Published Mar 27, 2025 02:46 PM PHT
|
Updated Mar 27, 2025 02:55 PM PHT

Colon cancer cells. NCI Center for Cancer Research

MAYNILA — Ikinaalarma ng isang espesyalistang doktor ang pagtaas ng kaso ng colorectal cancer, o ang kanser sa colon at rectum, sa Pilipinas nitong mga nakalipas na taon.

"Globally ang colon [and] colorectal cancer ay nasa top 5 na sya. Sa Pilipinas nasa top 5 din siya [in terms of incidence] sunod sa breast cancer at lung cancer... Sobrang taas na po talaga ng insidente natin sa Pilipinas," sabi ni Dra. Michelle Cloa ng Manila Doctors Hospital na nangangasiwa sa kanilang Gastroenterology and Digestive Endoscopy section.

Tuwing Marso ginugunita ang Colorectal Cancer Awareness Month, at tuwing ikalawang linggo nito ang Philippine Digestive Health week.

Sa panayam ng Teleradyo Serbisyo noong Marso 12, ipinaliwanag ni Cloa kung ano ang colorectal cancer, ngunit mas nabigyang-diin ang diskyusyon ukol sa colon cancer, mga sintomas nito, at paano ito maaagapan at gagamutin.

"Ang colon ang tinatawag nating large intestine, so siya yung pinakahuling yugto ng bituka," sabi ni Cloa.

Ayon sa doktora, "napakaganda ng role ng large intestine" ng ating katawan.

"Kasi after ma-digest o ma-absorb ng katawan yung mga nutrients sa mga kinain natin through the small intestine, ang large intestine ang function nya lahat ng mga nakatas na sa nutrients, doon dumadaan as waste products, so ito po yung ating dumi."

SINTOMAS NG KANSER SA COLON
Inisa-isa ni Cloa ang mga karaniwang sintomas ng colorectal cancer.

"Kadalasan kung ang pasyente magpe-present ng sintomas, ito ay pagbabago sa pagdumi," aniya.
"Kadalasan kung ang pasyente magpe-present ng sintomas, ito ay pagbabago sa pagdumi," aniya.
ADVERTISEMENT
"Halimbawa kung ikaw ay araw-araw dumudumi, pero all of a sudden biglang lumalaktaw ka, o dati buo yung dumi mo, all of a sudden parang nagiging manipis na pencil-like, or dati madalang kang dumumi, all of a sudden regular ang dumi pero matubig sya," sabi niya.

Puwede ring sintomas ang mga sumusunod:
Puwede ring sintomas ang mga sumusunod:
• Presensya ng dugo sa dumi
• Presensya ng dugo sa dumi
• Bloating o pakiramdan na busog
• Bloating o pakiramdan na busog
• Abdominal pain sa iba't ibang bahagi
• Abdominal pain sa iba't ibang bahagi
ADVERTISEMENT
Gayunpaman, ang colon cancer ay kadalasang walang sintomas kung ito ay nasa early stages pa lamang.

"More than 90 percent of the time, wala pong sintomas ang colon cancer especially kapag ito ay nagsisimula pa lamang," ani Cloa.

SINO ANG MGA 'AT RISK'
Pinaka-at risk sa colon cancer ang mga taong nasa edad 50 anyos pataas.

"Kasi habang patanda po tayo nang patanda, ang development po ng mga polyps o growth sa large intestine mas mataas yung incidence," ani Cloa.

Mas madalas daw magka-colorectal cancer ang mga lalaki, pero kung magkakaroon ang babae ay posibleng mas matindi ang sakit nito.

"Sa sex naman, mas mataas ang incidence or preponderance for having colorectal cancer ang lalaki, pero ang babae kung magkakaroon, right-sided colon cancer, mas aggressive yun," sabi niya.

"Sabi nila sa mga lalaki, base sa tipo ng mga kinakain, so may factor talaga yung diet, environment, especially kung may family history ng colorectal cancer."

'GOLDEN PERIOD'
Ayon kay Cloa, ang "golden period" ng colon cancer ay kung kaya pang tanggalin ang mga namuong "small growths" o "polyps" na hindi kinakailangan na operahan.

"Kasi ito yung maaaring maagapan, ibig sabihin endoscopic procedure lang maaaring tanggalin yung mga growth endoscopically, ibig saabihin walang hiwa, pagsilip lang ng bituka," aniya.

"Hanggang maliit pa lang sila, hindi pa panget yung mga cells nya, maaaring maagapan ang pagkakaroon ng colorectal cancer because it's really preventable through screening."

Dito pumapasok ang kahalagahan ng screening.

"Sa mga 50 anyos pataas, with or without symptoms, pero kung halimbawa po kayo ay may kamag-anak na may colorectal cancer, halimbawa si lolo nagkaroon, lahat ng 3rd generation at risk so maaaring earlier ang screening, mga 40 years old," ani Cloa.

COLONOSCOPY
Pinakamagandang screening umano ang colonoscopy.

"Ito ay eksaminisyon ng malaking bituka using an instrument na merong camera at ilaw sa dulo... On the day itself patutulugin po kayo ng anaesthesiologist, pagtulog na kayo, tsaka lang yun ipapasok sa pwet nyo," aniya.

"Ang kagandahan lahat kita samonitor and then kung may kailangan i-biopsy at kailangan tanggalin na mga growths, pwede nang gawin right then and there, magtatagal lang ng less then 1 hour. Very low risk for complication," dagdag niya.

Gayunpaman, may kamahalan ang naturang screening na hindi bumababa sa P40,000 o P50,000.

"Sa Manila Doctors Hospital may program kami for indigent, so we reserve 50 slots po so makipag-ugnayan lang po kayo sa aming social service if you wanna enroll to our program."

PAANO IWASAN ANG COLON CANCER
Sabi ni Cloa, ang pinakasusi para maiwasan ang colorectal kanser ay maayos na diet at lifestyle lalo't sa bituka ito nagsisimula.

"Importante yung maayos na diet at lifestyle po talaga, babalik tayo doon no matter how cliché... Eat green, leafy vegetables, lower consumption of processed and red meat, lower fatty foods," sabi ng doktora.

Gayunpaman, walang kasiguraduhan na maiiwasan ang naturang kanser lalo't ito ay gene mutation.
Gayunpaman, walang kasiguraduhan na maiiwasan ang naturang kanser lalo't ito ay gene mutation.
ADVERTISEMENT
"At the end of the day, no matter how much we avoid colorectal cancer, they are really gene mutations po, kaya napakaimportante po talaga ng scrreening kasi wala naman po kayong nararamdaman kadalasan," aniya.

KAUGNAY NA VIDEO:
Read More:
Colorectal Cancer Awareness Month
colon
colon cancer
large intestine
colorectal cancer
rectum
colonoscopy
medicine
health
wellness
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT