Dengue at measles outbreak sabay na idiniklera sa Sablayan, Occidental Mindoro | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Dengue at measles outbreak sabay na idiniklera sa Sablayan, Occidental Mindoro

Dengue at measles outbreak sabay na idiniklera sa Sablayan, Occidental Mindoro

Dennis Datu,

ABS-CBN News

Clipboard

Magkasabay na idineklara ang dengue outbreak at measles outbreak sa bayan ng Occidental Mindoro dahil sa nakaaalarmang pagdami ng mga kaso ng nasabing mga sakit. 

Sa panayam ng programang '"YAN TAYO" sa Teleradyo Serbisyo, sinabi ni Dr. Meldie Soriano, municipal health officer ng bayan ng Sablayan na tumaas ng 267 percent ang kaso ng dengue sa kanilang bayan.

Mula Enero 1 hanggang March 15 ay umabot na sa 235 ang kaso ng dengue  kumpara noong kaparehas ng panahon noong 2024 na nasa 64 lamang ang naitalang dengue cases. Limang bata na rin na may edad na 4 hanggang anim na taong gulang ang nasawi. 

Ayon kay Dr. Soriano posibleng ang dahilan ng pagdami ng kaso ng dengue ay ang malamig na panahon dahil  naging mabilis ang naging pagdami ng mga lamok  na kahit sa mga hamog lamang ay kayang mangitlog.

ADVERTISEMENT

“Nagdeclare na po kami  ng outbreak dahil umabot na po kami doon sa epidemic threshold na kailangan po magdeclare na kami para makapagrelase ng fund at makabili po ng kinakailangan namin kagamitan, nakapagprocure na po kami ng maraming dengue kits, " sabi ni Dr. Soriano.

Samantala, ikinagulat din ng LGU ng Sablayan ang biglang pagdami ng mga tinamaan ng tigdas sa mga katutubong Mangyan .

Mula February 2,2025 ay nasa 64 na ang may tigdas kung saan 32 dito ang nakumpirma na sa laboratory test sa Research Institute for Tropical Medicine or RITM.

Naalarma ang  municipal health office nang biglang bumaba ng bundok  ang maraming Mangyan at dumiretso sa rural health unit upang magpagamot ng tigdas.

Ayon kay Dr. Soriano, isa sa posibleng dahilan ng pagdami ng kaso ng tigdas ay ang pagtanggi noon ng mga katutubo na magpabakuna dahil sa maling paniniwala.

Pero ngayon idineklara na ang measles outbreak, maraming mga katutubo na ang nagpapabakuna na umaabot na sa higit 1,000.

“Kami po ay naka-outbreak response immunization so lahat po ng aming mga magigiting at mga dakilang  health workers ay umaakyat at talagang tumatawid sa mga ilog para puntahan po itong ating mga kapatid na katutubo” sabi pa ni Dr. Soriano.

Dumating na rin ang maraming bakuna sa tigdas  mula sa DOH.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.