ALAMIN: Bakit bumibilis ang tibok ng puso ng isang tao? | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Bakit bumibilis ang tibok ng puso ng isang tao?

ABS-CBN News Digital Intern,
Angel Chrizel Pabuayon
Published Mar 11, 2025 09:56 AM PHT

Ipinaliwanag ng isang eksperto kung ano-ano nga ba ang mga dahilan kung bakit bumibilis ang tibok ng puso ng isang tao.

Ayon kay Dr. Dennis Ngo, ang puso ay kontrolado ng autonomic nervous system kung saan hindi maaaring sabihin lang dito kung kailan naisin ng tao na ito’y bumilis o bumagal.

“Kung galit, excited, kinikilig, pagod, maaaring bumilis [ang tibok ng puso],” sabi ni Ngo.

Ang normal na tibok ng puso o heart beat ay dapat sa pagitan ng 60-100 tibok kada minuto.

ADVERTISEMENT
“Dapat regular ang pagtibok kaya nga pag pinapakinggan natin ang puso sa pamamagitan ng stethoscope, sinasabi labdab-labdab-labdab, regular na regular,” saad ng doktor.

Ayon kay Dr. Ngo, may mga pag-aaral na nagpapakita na kung kaya ng katawan ng isang taong hindi magpalpitate (pagkakabog ng dibdib) sa pag-inom ng kape, maaari itong makatulong upang maiwasan ang mga sakit gaya ng dementia, Parkinson’s disease, at colon cancer.

FIGHT OR FLIGHT RESPONSE
Sabi ng doktor, fight or flight response ay isang uri ng adrenaline surge.

“Kumbaga you make a split decision so, ‘yung puso mo ay magrerespond without you saying so, [kaya] mas mabilis, mas malakas dahil kailangan mo maging alert,” paliwanag ni Ngo.

Ang nangyayari sa panahong ito ay ang tao ay nagkakaroon ng pagtaas ng tibok ng puso, pagkabog-kabog ng dibdib, at nagpapawis.

IREGULAR NA PAGTIBOK NG PUSO
“Kapag nawala sa regularidad, ‘pag mas malakas kaysa normal, ‘yon may issue na,” sabi ng doktor.

Ang alarm signal umano para masabing hindi na regular ang pagtibok ng puso ay kapag bigla na lamang itong tumitibok nang malakas na walang anumang dahilan.

“‘Yun parang akala mo ‘yung buong t-shirt mo, parang may kumakatok sa dibdib mo,” pagsasalarawan ni Ngo.

MGA EPEKTO NG PAG-IBIG
Ayon din sa doktor, may mga sanhi ng pagbilis ng tibok ng puso na konektado habang nasa isang relasyon: adrenaline rush, pagkagalit, pagkasabik, pagkainis, stress o tensyon, heartbreak, pagseselos, at overthinking.

“Overthinking over a text message, so, may isang message lang [na] dumating, kung anu-ano nang ginawa mong scenario at kwento, gumagawa ka ng sarili mong negatibong response,” sabi ni Ngo.

Kabilang na rin dito ang karamdamang tinatawag na broken heart syndrome kung saan lumulubo ang puso dulot ng iba’t ibang dahilan.

“So, kung lumulobo, hindi maganda ang contraction, pagbuga ng dugo, bitin ka,” saad ng doktor.

Gayunpaman, ito pa rin ay maaaring panandalian lamang dahil ito pa rin ay nakakaapekto sa aspetong emosyonal ng isang tao.

NON-ROMANTIC TRIGGERS
Ang mga sanhi naman na nagpapabilis ng tibok ng puso na hindi konektado sa pag-ibig ay ang pag-inom ng kape at dehydration.

“‘Pag kulang sa volume ang katawan, biglang titibok siya nang mas malakas at mas mabilis dahil kailangan niyang i-distribute ang dugo sa buong katawan,” paliwanag ng doktor.

Dagdag pa niya, nakakaapekto rin ang pag-inom ng alak dahil gaya ng kape, ito rin ay isang uri ng stimulant.

Kasama rin dito ang paninigarilyo at ang self-medication o ang paggamit ng gamot na hindi kinokonsulta sa eksperto.

KAILAN DAPAT MAGPATINGIN?
“‘Pag nahihilo, [may] chest pain, hinihingal maski na nakaupo, [at ang] resting heart ay mabilis,” sabi ni Ngo.

Dagdag niya, kailangan din magpatingin sa doktor kapag ang tao ay nagpapawis, namumutla, pagbabago sa vital signs gaya ng pulse rate at blood pressure.

Ayon kay Ngo, maaaring maiwasan ang pagbilis ng tibok ng puso sa pamamagitan ng pagbabago ng ilang gawi sa pamumuhay ng tao.

Ilan dito ang dahan-dahan na pagbabawas ng timbang, pagkikilos o exercise, pagpili sa kakainin– pag-obserba sa dami nito at pag-iwas sa balat at taba ng baboy dahil ito’y nagpapataas ng cholesterol.

“Pag sobra tayo sa cholesterol, masebo, mamantika tayo, saan po siya mag-iipit? Mag-iipit po ‘yon sa mga daluyan ng ating mga ugat. So, imbes na maging maganda ang daluyan at ugat natin na maraming dugo at maayos ang pag-flow, magkakaroon ng slow down,” paliwanag ng doktor.

Payo rin ni Ngo na ugaliin ng taong sumaya o tumawa.

“Maganda ang laughter dahil ito po ay nagke-create ng good hormones,” saad niya.

KAUGNAY NA ULAT
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT