Payo mula sa isang batang ina | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Payo mula sa isang batang ina
Payo mula sa isang batang ina
Jonathan Cellona,
ABS-CBN News
Published Feb 24, 2025 11:21 PM PHT

Sa bahay ni Bonining, maririnig ang hagikhik ng isang dalagitang ina. Bakas sa mukha niya ang isang masayahing bata.

Pero may lungkot na tangan si Bonining. Mabigat na dagok sa lagay niya ngayon ang pagkawala ng kanyang Tatay “Abner” noong Disyembre, 2024. Tila mag-isang dadanasin ni Bonining ang buhay na may sariling pamilya. Sa edad na 16, siya ay isang nanay na.

“Lagi niyang (ni Tatay) na-oopen sa akin, kaya ikaw mag hanap ka ng trabaho paglaki mo. Umayos, mag-aral ng mabuti, yun po ang pinaka tumatak sa akin.” kwento ni Bonining.

“Kung wala po akong baby nun, nabantayan ko sana si Daddy, bago siya nawala.” dagdag pa niya.
“Kung wala po akong baby nun, nabantayan ko sana si Daddy, bago siya nawala.” dagdag pa niya.
ADVERTISEMENT
Kalong-kalong si baby Chabeng, sinusuong ni Bonining ang mga nakakapanibagong buhay ng may “ina-aruga.” Pinipilit nilang magkasiya sa isang maliit na kwarto na kasya lamang para sa isang tao.

Isang kwartong walang kama, walang upuan, wala ring bintana. Sapat lamang ang isang maliit na sampayan ng damit, sabitan ng duyan at dalawang kahon ng kanilang mga damit. Sa kabilang parte ng bahay, kasama nina Bonining ang magulang ng kanyang kasintahan.

Ang ama ng kaniyang anak, si Gerald, ay 17 taong gulang lamang-kapwa niya teenager. Katulad ni Bobining, kinailangan niyang tumigil sa pag-aaral para tumulong sa pagpapalaki ng kaniyang anak. Ngunit balak pa rin ni Bonining na bumalik sa pag-aaral upang tapusin ang high school.

Isa si Bonining sa mga na nasadlak sa maagang pagiging ina.

Ayon sa pag-aaral, patuloy na dumarami ang mga sanggol na ipinapanganak mula sa mga dalagitang nasa 10 hanggang 14 taon gulang. Pinapangambahan ng mga eksperto na umabot sa mahigit 133,000 na pamilya ang may miyembrong batang ina sa mga susunod na mga taon.

Labinlimang taong gulang lamang si Bonining nang siya ay mabuntis. Isang decision na kaniyang pinagsisisihan. “Sa mga kabataan na andyan na rin ang baby nila, tanggapin na lang. Wala na, nandyan na yan eh.“Kasi mahirap po. Para sa isang babae, lalu na pag ang mapapang asawa mong lalaki is, wala naman pakialam sa iyo.”

Si Bonining akay ang dalawang-buwang anak sa kanilang kwarto sa Barangay Longos, Malabon noong ika 4 ng Pebrero, 2025. Jonathan Cellona, ABS-CBN News

Pinangangambahan din ng Philippine Legislators' Committee on Population and Development ang mga naitalang pagtaas ng kaso ng mga 10 hanggang 14 taong gulang na nabuntis nitong mga nakaraang taon.

“Ang nakikita natin tumataas ay yung 10 to 14 years old, (may latest data na naitala na 8 years old, dahil sa maaga ngayon, (ang mga batang babae ngayon) nireregla. Dahil hindi ka nakapag-aral, tumigil ka, tapos kailangan mong alagaan ang anak mo, pakainin ang anak mo, magiging intergenerational poverty” ayon kay Ma. Aurora Quilala, Deputy Executive Director ng PLCPD.

“Hindi malayo na balang araw na, that child, (ang supling) will have the same fate.” dagdag pa niya.

Isa sa pinakamalaking hamon para kay Bonining ang masalimuot na buhay pamilya. Dala ng kahirapan, at kakulangan sa kaalaman, hindi maiwasang malagay sa alanganin ang kanyang sarili. Ang kanyang ama ang pangunahing nagtataguyod sa kanya bilang isang batang ina. Sa ngayon, naka-asa Si Bonining at Gerald sa tulong ng kanilang mga kamag-anak.

Hindi makalimutan ni Bonining ang pangarap ng kaniyang ama na makapagtapos siya ng pag-aaral. Kaya’t ito ang kaniyang naging mobitasyong magbalik eskwela at ituloy ang kanyang plano na makapag-aral hanggang sa kolehiyo.

"Sa mga nagbabalak na bata pa, payo ko lang makinig kayo sa mga magulang, ipagpatuloy niyo ang pag-aaral dahil mahirap po, mahirap po para sa isang babae. Lalo na kung ang mapapangasawa mong lalaki ay wala namang ano, walang pakialam sa iyo. Sobrang hirap po, lalo na at babae ka. Kaya mag-aral na lang at makinig sa magulang." paalala niya sa mga kapwa kabataan.

Comprehensive Sexual Education
Ayon kay Philippine Legislators' Committee on Population and Development ( PLCPD) Deputy Executive Director, Ma. Aurora Quilala, layon ng Comprehensive Sexual Education ang Proteksyon sa mga bata, lalo ng mga mga kabataang babae, pagdating sa pansarili nilang katawan at seksuwalidad, proteksyon na magpapatuloy sa kanilang pagtanda.

Batay sa World Health Organization, bibigyan ng Comprehensive Sexual Education ang mga kabataan ng tama at akmang impormasyon batay sa edad ng mag-aaral patungkol sa sekswalidad na mahalaga para sa kanilang kaligtasan.

Ma. Aurora Quilala, Deputy Executive Director ng Philippine Legislators' Committee on Population and Development ( PLCPD). Jonathan Cellona, ABS-CBN News

Naninilwala ang UNESCO na makapagbibigay ng angkop na kaalaman ang CSE upang makatulong sa kabataang makapag-desisyon para sa kanyang ikabubuti.

Kung kaya’t sa Senate Bill 372, o ang ‘Prevention of Adolescent Pregnancy Act of 2022,” layon na matalakay sa mga eskwelahan ang “sexual education” sa paniniwalang kabilang sa karapatan ng kabataan ang maayos na edukasyon- kung saan kasama dito ang wasting kaalaman sa reproductive health.

Kinikilala din nito ang karapatan at tungkulin ng mga magulang, mga guro at mga taon responsable sa pagpapalaki ng mga kabataan na bigyan sila ng angkop na gabay sa isyung ito.

Para kay Bb. Quilala, hindi totoong maha-hyper sexualize ang mga teenagers kung ituturo ng maaga ang sexual education. Bagkus, lalo pa ngang magiging aware ang mga kabataan sa kanilang mga desisyon pagdating sa kanilang karapatan bilang babae.

Sa katunayan, hindi lang sexual education ang layon ng batas na maibahagi sa mga mag-aaral. Kasama rin dito ang pagpapaigting ng serbisyo ng gobyerno na makatulong at masuportahan ang mga kabataan na maagang naging magulang na magkaroon ng pgakakataong mamuhay ng normal kahit sila ay may supling na.

“Para maiwasan ang ‘Intergenerational poverty,’ at ma-waksihan patuloy na kahirapan there should be a continuum of services, una to avoid repeat pregnancies. Pangalawa, “to keep them in school,” mapag-patuloy ang pag-aaral -kahit sila’y may anak na.’

So hindi sila mapapabayaan ng pamahalaan (ang bata) .” dagdag ni Ms. Quilala.

Edukasyon at tamang gabay ng magulang
Ayon kay Gng. Rodora Daguman ng Barangay Council for the Protection of Children (BCPC) sa Barangay 128 sa Maynila, malaking problema sa kanila ang malimit na insidente ng maagang pagbubuntis.

Ngunit sa tulong ng BCPC, kung saan siya ay namamahala, naaagapan nila ang mga insidente na tulad nito.

Para kay Gng. Rodora Daguman, pinuno ng Barangay Council for the Protection of Children ng Barangay 128, Manila, mahalaga ang ginagampanang tungkulin ng mga magulang upang gabayan ang mga kabataan at pauntiin ang mga kaso ng "teenage pregancy." Jonathan Cellona, ABS-CBN News

Para kay Rodora, ang pagtutok ng mga magulang sa kanilang mga anak ang pinakamainam na solusyon upang matigil ang pagkakaroon ng mga batang ina sa kanilang barangay. Bukod sa eskuwelahan, malaki ang papel na gagampanan ng mga magulang sa isyung ito.

Mahalaga ang pagbibigay ng sapat na kaalaman sa mga magulang sa sex education at kung paano maayos na maipapaliwanag sa kanilang mga anak ang mahalagang usaping ito. Makakatulong ito upang makagawa ng mga tamang desisyon ay magabayan ang mga batang babae pagdating sa kanilang sekswalidad.

(Produced by Gigie Cruz, ABS-CBN News)
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT