ALAMIN: Bakit nagkakaroon ng cancer ang isang tao | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Bakit nagkakaroon ng cancer ang isang tao

Scanning electron micrograph of a Wilms' tumor, which is a human tumor which like typical tumors when it attaches to a surface is round. After it has attached it spreads out. National Cancer Institute/File

MAYNILA — Sa paggunita ng National Cancer Prevention Awareness Month, ipinaliwanag ng isang eksperto kung saan nga ba nagmumula ang cancer kung sa gayon ay maagapan ito.

Ayon kay Dr. Christian Cuaresma, Oncology and Transfusion Unit head ng UERM Medical Center, cancer ang third leading cause of death ng mga Pinoy, kasunod ng cardiovascular at communicable diseases.

SAAN NANGGAGALING ANG CANCER
Paliwanag ni Cuaresma, ang cancer ay nagmumula sa mga cell ng katawan na "tinatakasan" ang kanilang nakatakdang kamatayan.

"Of course meron tayong normal cells, yung normal cells natin ay may function sa ating katawan and eventually sila ay kailangan mamatay when they become adults, yun yung tinatawag na program cell death," sabi ni Cuaresma.

ADVERTISEMENT
Kailangan umanong mamatay ng mga cells upang bigyang buhay ang pag-usbong ng mga bagong cells.

Pero may iba umanong cells na gusto pang "magserbisyo" at umiiwas sa kanilang program cell death.

"May mga ibang cellula sa ating katawan na hindi namamatay, kumbaga iniiwasan nila yung program cell death. Yun yung mga nagkakaroon ng pagbabago, yung tinatawag na mutations at yun po ang naggi-give rise sa cancer cells," paliwanag ng doktor.

RISK FACTORS
Sabi ni Cuaresma, ang pagkakaroon ng cancer ay 10 porsyentong genetics at 90 porsyentong environment at lifestyle.

"Sa 100 porsyento, 10 percent genetics, yung namamana, family history. The 90 percent would come from environment and lifestyle, so interplay po of a lot of factors."

Gayunpaman, meron ding wala namang family history at maayos ang pangangatawan pero tinatamaan pa rin ng cancer.

"Maybe it happened to you by chance... Ngayon nakikita natin na extreme talaga. I've seen patients na breast cancer at 18, 21," aniya.

GAMUTAN
Sabi ni Cuaresma, importanteng malaman ang klase ng cancer upang mabigyan ang pasyente ng "personalized" treatment.

"Yung uri ng cancer kailangan natin malaman in order for us to develop a more personalized treatment for them."

Giit niya, ang gamutan sa cancer ay nasa "new era" na dahil marami nang pwedeng gawin bukod sa karaniwang chemotherapy na kinatatakutan umano ng mga pasyente dahil sa side effects nito.

"Nag-evolve na, now nandito na po tayo sa era ng targeted treatments, immunotherapy, kung saan yung immune cells natin ang nagiging frontline sa panlaban natin sa cancer cells na ito," paliwanag ng doktor.

Giit ni Cuaresma, importante ang screening sa mga taong may mataas na risk factor sa cancer upang maagapan ito.

"Cancer is not a life or death sentence dahil marami na rin po tayong mga treatment options available that will prolong our survival while the patient maintains his or her functional status and quality of life. There is hope."

KAUGNAY NA VIDEO
Read More:
National Cancer Prevention Awareness Month
cancer
health
Filipino cancer
science
disease
cells
treatment
chemo
prevention
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT