FACT CHECK: Impostor na UP-PGH Facebook page, nag-aalok ng medical products | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

FACT CHECK: Impostor na UP-PGH Facebook page, nag-aalok ng medical products

FACT CHECK: Impostor na UP-PGH Facebook page, nag-aalok ng medical products

Eliseo Ruel Rioja,

ABS-CBN Research and Verification Unit

 | 

Updated Jan 30, 2025 01:39 PM PHT

Clipboard

Isang pekeng Facebook page ang nagpapanggap na konektado sa University of the Philippines - Philippine General Hospital (UP-PGH) at nag-aalok ng diumano’y gamot at lunas sa hepatitis.

Ginamit ng impostor na page na “PGH-Philippin General Hospital News” ang logo ng PGH sa profile picture nito at nilapatan ng blue check mark para magmistulang lehitimo. Kapansin-pansin ding mali ang spelling ng Philippine sa pangalan.

Inilagay naman sa ibaba ng profile overview na mayroon itong milyun-milyong likes at followers kahit mayroon lamang itong 2.3K likes at 2.4K followers.

Naunang nagbabala laban sa pekeng page si Dr. Jay Almora, surgery resident sa UP-PGH, sa isang Facebook post. Sa text message, kinumpirma naman ni Dr. Jonas del Rosario, UP-PGH coordinator for public affairs, na hindi konektado ang kanilang institusyon sa naturang Facebook page.

ADVERTISEMENT

Nilinaw ni del Rosario na ang opisyal na Facebook page ng UP-PGH ay University of the Philippines-Philippine General Hospital.

Binigyang-diin din niyang hindi nag-eendorso ng anumang produkto o gamot pang-medikal ang UP-PGH.

"Ang aming mga serbisyo ay nakatuon lamang sa pagbibigay ng atensyong medikal na maaaring ma-access sa pamamagitan ng telemedicine at on-site consultations,” mababasa sa naunang pahayag ng UP-PGH na muling ipinadala ni del Rosario sa ABS-CBN Fact Check.

Makikita rin sa page intro at mga post ng pekeng account ang isang link na dumidirekta sa isang kaduda-dudang artikulong nagpapakita sa pangalan at logo ng Department of Health (DOH). Dito makikita ang diumano’y gamot sa hepatitis na pino-promote ng DOH at order form na nanghihingi ng personal na detalye.

Noong Enero 23, 2025, nagbabala ang DOH sa kanilang official Facebook page laban sa mga nagpapakilalang konektado sa ahensya at nag-aalok ng mga medical product na labag sa kanilang patakaran.

“The DOH strictly prohibits officials and employees from supporting private interests, ensuring the Department remains neutral and free from commercial affiliations or endorsements,” mababasa sa kanilang pahayag.

Ayon sa DOH, ang opisyal na wesbite ng ahensya ay www.doh.gov.ph. Samantala, pgh.gov.ph naman ang opisyal na website ng UP-PGH.

Hindi ito ang unang beses na na-fact check ng ABS-CBN ang mga impostor na page at website.

 

Kung kayo’y may alam na kahina-hinalang social media page, group, account, o website, artikulo, larawan, o impormasyong ipinapakalat sa mga messaging app, maaring makipag-ugnayan sa aming email factcheck@abs-cbn.com o X account @abscbnfactcheck.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.