'My Puhunan: Kaya Mo!': Paano kumita ng pera sa paluwagan? | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'My Puhunan: Kaya Mo!': Paano kumita ng pera sa paluwagan?

'My Puhunan: Kaya Mo!': Paano kumita ng pera sa paluwagan?

Sherwin Tinampay,

ABS-CBN News

Clipboard

Pamilyar ba kayo sa tinatawag na "paluwagan"?
Pamilyar ba kayo sa tinatawag na "paluwagan"?

Madalas itong ginagawa ng ilang indibidwal kung saan may target silang halaga ng pera na maipon at pag-aambagan nila para ang bawat isa sa kanila ay makakuha nito.

Ayon sa financial expert na si Astro del Castillo, tinatawag rin nila itong "informal system" ng cooperative savings.

"Usually ang miyembro ay ang magkakaibigan, magkaka-opisina, magkaka mag-anak or kombinasyon, para mag-contribute sa isang savings para magamit ng karamihan. 

Pinaka-talagang nagpapalakas dito sa paluwagan ay tiwala sa isa't-isa," paglalahad niya sa programang "My Puhunan: Kaya Mo!".

ADVERTISEMENT

Mataas umano ang demand sa paluwagan dahil madalas maliit lamang ang perang inilalabas ng mga sumasali dito.

Ginagamit ito ng karamihan para matustusan ang pang-araw-araw na pangangailangan.

Pero marami rin ang natatakot sa paluwagan dahil hindi maiiwasan ang mga miyembro na hindi nakapagbibigay ng kanilang ambag.

"Madami rin tayo naririnig kasi na hindi magandang istorya sa kadahilan na napaka-informal na ito kasi 'pag isa o dalawa ay hindi makabayad, malaki rin ang epekto. Alam natin, puwede naman talagang magreklamo pero napakahirap habulin kasi karamihan niyan ay walang kasulatan. Ito ay karamihan ay verbal agreement lang. Kung may kasulatan, mas maganda mahabol nila 'yan," pagdedetalye ni del Castillo.

Interesado ba kayong pasukin ang paluwagan? Alamin ang pros at cons nito dito sa 'My Puhunan: Kaya Mo!' kasama si Karen Davila.




 

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.