FACT CHECK: Walang report ang TV Patrol tungkol sa isang bagong investment program | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
FACT CHECK: Walang report ang TV Patrol tungkol sa isang bagong investment program

Kevin Luis Fernandez,
ABS-CBN Research and Verification Unit
Published Apr 28, 2025 05:23 PM PHT

Hindi totoo at manipulado ang diumano’y ulat ni ABS-CBN News anchor Noli De Castro sa programang TV Patrol tungkol sa diumano’y investment scheme na inilunsad ni businessman Ramon Ang.

Sa manipuladong bidyo na kumakalat online, in-edit ang boses ni De Castro gamit ang deepfake teknik upang palabasing binabalita niya ang diumano’y paglunsad ni Ang ng platapormang “INVESTMENT PROGRAM 2025.”

Maaari diumanong kumita ang isang tao ng P175,000 kada linggo sa pamamagitan ng nasabing plataporma ni Ang. Suportado rin diumano ang plataporma ng mga kompanyang Petron Corporation at San Miguel Corporation, kung saan Chief Executive Officer si Ang, at ng Bank of the Philippine Islands at Semirara Mining and Power Corporation.

Kinuha ang bidyo ni De Castro mula sa live broadcast ng TV Patrol noong Abril 16, 2025.
Kinuha ang bidyo ni De Castro mula sa live broadcast ng TV Patrol noong Abril 16, 2025.
ADVERTISEMENT

Mapapansin namang iba ang font na ginamit sa pamagat ng pekeng ulat, na malayo sa karaniwang estilo na ginagamit sa totoong broadcast ng TV Patrol. Ang mga ulat ng TV Patrol ay palagi ring sa wikang Tagalog at may kasamang sign language interpreter.

Samantala, kuha naman ang bidyo ni Ang mula sa panayam niya sa ABS-CBN News Channel noong Marso 18, 2024.

Sa isang post noong Pebrero 17, 2025, pinasinungalingan ni Ang ang mga bidyo online na minamanipula gamit ang artificial intelligence upang magmukhang nag-eendorso siya ng mga investment scheme.

“I have never endorsed, and will never endorse, any investment opportunity online,” saad ni Ang sa nasabing post.

Isa si De Castro sa mga resource person sa ginanap na hearing ng House of Representatives Tri Committee tungkol sa paglaganap ng mga maling impormasyon o disinformation sa social media.

Sinabi ni De Castro na “mahalaga” ang responsibilidad ng mga social media platform sa isyu ng pagkalat ng mga maling impormasyon. Ayon sa kanya, sila ang ginagamit na paraan para kumalat ang maling impormasyon.

Isa si De Castro sa mga mamamahayag na madalas nagiging biktima ng mga deepfake.

Hindi ito ang unang beses na minanipula ang mga ulat ng ABS-CBN News gamit ang deepfake upang makapanloko.

Kung kayo’y may alam na kahina-hinalang social media page, group, account, o website, artikulo, larawan, o impormasyong ipinapakalat sa mga messaging app, maaring makipag-ugnayan sa aming email factcheck@abs-cbn.com o X (dating Twitter) account @abscbnfactcheck.
Read More:
TV Patrol
Noli De Castro
ABS-CBN News fake report
Ramon Ang
deepfake
misinformation
disinformation
fact check
ABS-CBN Research and Verification Unit
ABSnews
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT