'My Puhunan: Kaya Mo!': Paggawa ng balut sa Pateros, alamin | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'My Puhunan: Kaya Mo!': Paggawa ng balut sa Pateros, alamin

ABS-CBN News Intern,

Katherine Claire D. Hababag

 | 

Updated Apr 26, 2025 06:27 PM PHT

Clipboard



Kilala ang munisipalidad ng Pateros pagdating sa paggawa ng mga balut.

Isa sa mga tanyag na nagbebenta nito ay ang pamilya ni Paul Flores Rodriguez na sinimulan pa ng kaniyang lola anim na dekada na ang nakararaan.

"As an identity ng Pateros, kasama na rin kami. So, once na nabanggit ‘yung Pateros, parang mas nagiging proud kami. Isa kami sa nagko-contribute sa culture ng Pateros," pagbabahagi niya para sa programang “My Puhunan: Kaya Mo!”.

Minana ng kaniyang ina ang negosyo nila sa pagbabalut maging ang paggawa ng itlog na maalat na kaniyang kinalakihan.

ADVERTISEMENT

“Tanda ko parang 7 years old pa lang ‘ata ako. Nu’ng una sa itlog na maalat ako na-involve until nung medyo nagka edad edad na ko na-involve na ko dito sa balut,”  kuwento ni Paul.

Mula sa tradisyunal na proseso ng paggawa ng mga balut, makabagong paraan na rin ang gamit nila sa tulong ng Department of Science and Technology at ng lokal na pamahalaan ng Pateros.

Bukod pa sa kanilang popular na balut at itlog na maalat, binabalik-balikan rin sa kanila ang bibingkang abnoy, penoy na tuyo at higupin - mga produkto na bumuhay sa kanilang pamilya.

“Ito proud ako na from balut naka-graduate ako. So, dahil sa balut parang naging success din ng family namin. Hindi lang naman para sa pamilya namin ‘to, ginagawa rin namin ‘to para identity talaga ng Pateros,” ani Paul. 

Ang makulay na industriya ng pagbabalut sa Pateros alamin sa ‘My Puhunan: Kaya Mo!’ kasama si Karen Davila.



ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.