FACT CHECK: Hindi down ang system ng isang e-wallet app dahil sa 'zero remittance week' | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

FACT CHECK: Hindi down ang system ng isang e-wallet app dahil sa 'zero remittance week'

FACT CHECK: Hindi down ang system ng isang e-wallet app dahil sa 'zero remittance week'

Eliseo Ruel Rioja,

ABS-CBN Research and Verification Unit

Clipboard

Hindi totoong down ang e-wallet application na Asia United Bank (AUB) HelloMoney dahil sa “zero remittance week” na panawagan ng mga overseas Filipino worker (OFW) na sumusuporta kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Nakadetine si Duterte sa detention facility ng International Criminal Court (ICC) dahil sa kasong crimes against humanity kaugnay ng kanyang madugong drug war. Bilang suporta kay Duterte, layon ng “zero remittance week” na huwag magpadala ang mga OFW ng remittance mula Marso 28, araw ng kaarawan ni Duterte, hanggang Abril 4 upang ma-disrupt ang ekonomiya ng bansa.

Sa isang Facebook post, kinonekta ang isang pop up advisory ng AUB tungkol sa isinasagawa nitong system maintenance sa naturang panawagan. Nilapatan ang screenshot ng advisory ng tekstong “Natupad na talga ang ZERO REMITTANCE.”

Ini-upload ang nasabing post 8:42 ng gabi noong Marso 27, 2025 at nakapagtamo na ito sa ngayon, Marso 28, ng 11K likes at halos 5K shares.

ADVERTISEMENT

Mababasa naman sa anunsyo ng AUB noong 11:53 ng umaga Marso 26 na mayroong emergency system maintenance ang kanilang application kaya hindi ito magamit.

Pero naglabas din ang AUB ng advisory na gumagana na ulit ang e-wallet noong 5:38 ng hapon Marso 27, bago pa man magsimula ang sinasabing “zero remittance week” at bago nai-upload ang nasabing post.

“Please update your mobile app to the latest version. The latest version includes important security and performance improvements,” mababasa sa advisory ng AUB.

Nagsasagawa ang mga online banking at e-wallet application ng regular na system maintenance para paigtingin ang seguridad, mas padaliin ang navigation, at aksyunan ang anumang data breach sa kanilang application.

Samantala, na-fact check na rin ang iba pang maling impormasyon na kumakalat online na may kaugnayan sa pagkaaresto at pagdala kay Duterte sa ICC.


Kung kayo’y may alam na kahina-hinalang social media page, group, account, o website, artikulo, larawan, o impormasyong ipinapakalat sa mga messaging app, maaring makipag-ugnayan sa aming email factcheck@abs-cbn.com o X account @abscbnfactcheck.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.