Bodega ng bigas sa Bulacan, pinaghahalo ang iba-ibang klase at lumang bigas; 4 katao inaresto | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bodega ng bigas sa Bulacan, pinaghahalo ang iba-ibang klase at lumang bigas; 4 katao inaresto

Bodega ng bigas sa Bulacan, pinaghahalo ang iba-ibang klase at lumang bigas; 4 katao inaresto

Karen De Guzman,

ABS-CBN News

Clipboard


Pinuntahan ng National Bureau of Investigation at Department of Agriculture ang isang bodega ng bigas sa Bulacan na nadiskubreng ilegal na nag-iimmbak ng bigas nitong February 10, 2025. Karen De Guzman, ABS-CBN News


MAYNILA -- Sinalakay ng National Bureau of Investigation (NBI) at ng Department of Agriculture (DA) ang isang bodega ng bigas sa Bocaue, Bulacan na nadiskubreng ilegal na nag-iimbak ng mga bigas nitong Lunes ng gabi.

Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, pinaghahalo-halo umano nila ang mga luma at iba-ibang klase ng bigas at saka ibinibenta sa merkado sa mas mataas na presyo.

“Pinaghalo-halo nila ‘yung variety ng bigas tapos lalagyan ng konting pabango, pandan, ipa-pass on na nila as mamahaling bigas. Class A na bigas. Niloloko ang ating mamamayan,” sabi ni Santiago.

“Talagang alikabok na, puro ano na ‘yung mga sako. Clear manifestation of hoarding,” dagdag niya.

ADVERTISEMENT

Aniya, tumambad sa kanila ang sako-sakong bigas na galing umano sa iba-ibang bansa.

Nakalagay pa ito sa isang makina kung saan ginagawa ang paghahalo at pagkatapos ay ilalagay sa mga bagong sako.

"Meron from Vietnam, may from Pakistan, may from India. Nung chineck namin kagabi ‘yung kanilang makina, nandun naka-mount ‘yung iba-ibang variety ng bigas. Ang pinakaresulta itong coco pandan na premium rice,” ayon kay Atty. Jeremy Lotoc, hepe ng NBI Special Task Force (STF).

Arestado ang manager, dalawang cashier, at inventory officer ng bodega na tumangging pangalanan kung sino ang may-ari ng naturang warehouse. Sasampahan sila ng mga reklamong hoarding, adulteration, profiteering, untruthful labeling, at economic sabotage.

 Makikipag-ugnayan naman ang NBI sa lokal na pamahalaan ng Bocaue, Bulacan para matunton at mapanagot ang may-ari ng ni-raid na bodega.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.