SUV bumangga sa pedicab sa Maynila; 6 sugatan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

SUV bumangga sa pedicab sa Maynila; 6 sugatan

SUV bumangga sa pedicab sa Maynila; 6 sugatan

Kaxandra Salonga,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Anim ang sugatan matapos bumangga ang isang SUV sa pedicab sa Onyx Sreet corner 1st Street, Barangay 813, Paco, Maynila nitong Sabado ng hapon.

Ayon kay Manila Police District Spokesperson PMaj. Philipp Ines, nadamay din ang dalawang sasakyan na nasa gilid ng kalsada.

“Pagkabangga niya dito, nagkaroon ng domino effect… tumama ito doon sa center island at umatras, at doon sa pagkakaatras naman, tumama siya doon sa nakaparada na dalawa pang sasakyan. Isang sedan at isa pang motorycle,” pahayag ni PMaj. Ines.

Agad na dinala sa ospital ang 42-anyos na driver ng SUV at ang dalawang sakay nito, kabilang ang kanyang 72-anyos na ina. Dinala rin sa pagamutan ang 51-anyos na pedicab driver at ang dalawang sakay nitong senior citizen.

ADVERTISEMENT

“Mga minor injuries lang naman ang natamo nito at naka-discharge na rin ito sa ospital…. nalaman natin doon sa investigation na yung driver ay nahirapan huminga at eventually nalaman natin na inatake ito ng heat stroke,” sabi ni PMaj. Ines.

Alas-10 ng gabi nang makalabas sa ospital ang mga sugatan. 

Ayon sa pulisya, patuloy ang imbestigasyon sa insidente habang hinihintay kung magkakaroon ng areglo ang driver at ang mga nasugatan.

Posibleng maharap sa reklamong reckless imprudence resulting in damage to property and multiple physical injuries ang driver ng SUV.

“Pagka hindi maganda ang pakiramdam natin, wag na tayo magmaneho. Isipin natin palagi yung safety natin at di lang tayo ang gumagamit ng kalsada. So maging defensive driver tayo,” paalala ni PMaj. Ines.


IBA PANG ULAT




ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.