Ano ang special request ni Pope Francis sa kanyang ‘Pope jeep’? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ano ang special request ni Pope Francis sa kanyang ‘Pope jeep’?

Ano ang special request ni Pope Francis sa kanyang ‘Pope jeep’?

Christopher Sitson,

Patrol Ng Pilipino

Clipboard



MAYNILA —  Makikita sa Santuario de San Antonio Parish sa Makati City hanggang ngayong Linggo, Mayo 4, ang ‘Pope Jeep’, isa sa mga Popemobile na ginamit ni Pope Francis nang bumisita ito sa bansa noong 2015.


Ginawa ito ng Armored Transport Plus Incorporated (ATPI) mula sa imbitasyon ni Cardinal Luis Antonio Tagle. Ang kompanya rin ang gumawa ng Popemobile ni Pope John Paul II noong 1995. 


Bagaman itinuturing na isa sa mga pinakaimportanteng personalidad sa mundo ang Santo Papa, hiniling ni Pope Francis sa ATPI na gawing non-armored at open-type ang ‘Pope Jeep’ para madaling makamayan ang mga tao sa daraanan. 


Balak naman dalhin ang ‘Pope Jeep’ sa iba’t ibang lugar sa bansa, isang pagbabalik-alaala sa naging makasaysayang pagbisita ni Pope Francis na minahal ng mga Pilipino rin bilang ‘Lolo Kiko’.

ADVERTISEMENT


Sa Mayo 7 magsisimula naman ang conclave na maghahalal ng bagong Santo Papa.


– Ulat ni Christopher Sitson, Patrol ng Pilipino


Video produced with Christopher Sitson; post production by Ferna Alyssa Glorioso


ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.