Pangangaliwa at pag-abandona sa pamilya, pwedeng basehan sa annulment ng kasal? | ABS-CBN
Featured:
|
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pangangaliwa at pag-abandona sa pamilya, pwedeng basehan sa annulment ng kasal?
MAYNILA—Binaligtad ng Korte Suprema ang naunang desisyon ng Court of Appeals na hindi kinatigan ang apela ng isang ginang na mapawalang bisa ang kanyang kasal sa asawa dahil sa psychological incapacity.

Sa petisyon ni Leonora Dela Cruz-Lanuza, sinabi ng Korte Suprema na maituturing na psychological incapacity ang pangangaliwa, pag-abandona sa pamilya ng halos tatlong dekada, hindi pagbibigay ng sustento, at pagpapakasal pa sa ibang babae ni Alfredo Lanuza Jr. kahit kasal pa siya kay Leonora.

Ang mga desisyon at asal ni Alfredo na ito ang nagkumbinsi sa Korte Suprema na bigyang bigat ang naging psychological evaluation kay Alfredo na nagsasabing may personality disorder ito kaya hindi nito kayang gampanan ang kanyang obligasyon alinsunod sa nakasaad sa Article 68 ng Family Code na ang mag-asawa ay dapat na mabuhay nang magkasama, maging tapat at may respeto sa isa’t isa.

– Ulat ni Adrian Ayalin, Patrol ng Pilipino

Video produced with Mary Dei Torres & Julianne Loreign Vicente