Pagkalat ng ‘fake news’ kasunod ng pagkaaresto ni Duterte nakakaalarma: analyst | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pagkalat ng ‘fake news’ kasunod ng pagkaaresto ni Duterte nakakaalarma: analyst

Pagkalat ng ‘fake news’ kasunod ng pagkaaresto ni Duterte nakakaalarma: analyst

Jessie Cruzat,

Patrol Ng Pilipino

Clipboard



MAYNILA — Ayon sa isang eksperto sa politika, nakababahala ang paglaganap ng ‘fake news’ — tinatawag din na disinformation — lalo na sa social media.

Ani Propesor Luisito Dela Cruz ng San Beda University: “Kung ang magiging pasya ng mas nakararami ay based on ‘fake news’, based on disinformation, based on misinformation, then definitely this is an alarming situation for a democratic society such as ours.”

Halimbawa na lamang ang naglipanang mga content online kasunod ng pagkakaaresto kay dating pangulong Rodrigo Duterte sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng International Criminal Court kaugnay sa kasong crime against humanity resulta ng kanyang ‘war on drugs’.  

Nariyan ang pekeng mga quote card ng mga personalidad na nagpapahayag diumano ng suporta kay Duterte gaya ni US President Donald Trump. Ginamit pa ang logo ng mga lehitimong news outlet para palabasing totoo ang kumalat na materyal.

ADVERTISEMENT

Maging ang ‘TV Patrol’ anchor na si Noli De Castro, ginawan ng pekeng pahayag na sinusuportahan ang drug war campaign ni Duterte. 

Lumabas din ang mga quote card ng mga “banyagang abogado” na kinokondena ang pagkakaaresto sa dating pangulo—na mga karakter pala mula sa mga palabas sa Estados Unidos. 

Ginamit din ang iba-ibang larawan ng mga nakalipas na rally para palabasing mga pagtitipon o protesta ito sa pagkakakulong ni Duterte.

Para kay Presidential Communications Office Undersecretary Claire De Castro, dapat na maging mas mapagmatyag ang publiko sa mga mapanlinlang na impormasyon at hinimok ang media na maging kaagapay sa pagsugpo sa ‘fake news’.

– Ulat ni Jessie Cruzat, Patrol ng Pilipino

Video produced by Elijah Joy Gallero

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.