Sino si Tandang Sora na ipinangalan sa kauna-unahang museo para sa kababaihan? | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Sino si Tandang Sora na ipinangalan sa kauna-unahang museo para sa kababaihan?
MAYNILA—Bukas na sa publiko ang Tandang Sora Women’s Museum sa Quezon City na kauna-unahang museo sa bansa nagbibigay-pugay sa mahalagang papel ng kababaihang Pilipino sa kasaysayan at kultura.

Mabibisita ito ng publiko mula Martes hanggang Linggo, alas-9 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon.

Ipinangalan ang museo kay Melchora Aquino na kilala rin bilang Tandang Sora, ang Ina ng Katipunan. Makikita rito ang kanyang mahalagang kontribusyon sa kilusang lumaban noon para sa kalayaan.

Dagdag pa rito, tampok din sa museo ang iba pang kasaysayan, tagumpay, at ambag ng iba’t ibang Filipina mula sa mga babaeng rebolusyonaryo at aktibista, hanggang sa mga lider, artista, at iba pang personalidad.

Layon ng Tandang Sora Women’s Museum na maging sentro ng edukasyon at inspirasyon para sa susunod na henerasyon na patuloy na kilalanin ang mga kababaihang patuloy na lumalaban para sa katarungan, kalayaan, at pagkakapantay-pantay.

— Ulat ni Izzy Lee, Patrol ng Pilipino
Video produced with Gercy Babilonia
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT