Higit 100 OFW sa UAE, nakapagtapos ng kolehiyo mula sa ETEEAP | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Higit 100 OFW sa UAE, nakapagtapos ng kolehiyo mula sa ETEEAP

Higit 100 OFW sa UAE, nakapagtapos ng kolehiyo mula sa ETEEAP

ABS-CBN News,

Rowen Soldevilla | TFC News Dubai

Clipboard



Matagal nang nagtratrabaho sa Abu Dhabi si Christopher Gatmaitan pero hindi siya ma-promote at bigo rin na madagdagan ng sweldo dahil sa kakulangan niya ng bacherlo’s degree na requirement sa trabaho para umangat sa katungkulan.

 "Hindi po ako kasama pinalad na makapag-tapos sa mga unibersidad sa Pilipinas pero hindi po yun naging hadlang,” aniya. 

Ganito rin ang naging karanasan ni Erick Mae Romero na nagtatrabaho sa isang travel agency sa United Arab Emirates.

Kabilang ang dalawa sa mahigit isandaang Overseas Filipino Worker na kumuha ng bachelor’s degree sa pamamagitan ng Expanded Tertiary Equivalency Accreditation Program o ETEEAP.

ADVERTISEMENT

 "I hope that you continue to succeed,” ani Philippine Ambassador to UAE Alfonso Ver. “Because in this country with over 200 nationalities competing, dapat you should be ready to compete and this is one way of competing," dagdag niya.

Hinimok naman ni Marford Angeles, Consul General ng Pilipinas sa Dubai at Northern Emirates, ang mga Pilipino na magpursige sa kanilang pag-aaral.

“Patuloy nating itaas ang bandera natin habang tayo ay nagiging successful sa lugar na ito,” aniya. 

“Ating ipinapakita ang values at kadakilaan ng ating mga kababayan."

Ang ETEEAP ay programa ng Commission on Higher Education na nagbibigay ng pagkakataon sa mga Pinoy lalo na ang mga OFW na hindi nakakuha ng bachelor’s degree na mabigyan ng degree.

"Kailangan nila ito para ma-promote sila,” kwento ni Transcend Dubai CEO Eduardo Villanueva. “Module-based siya and you can study kahit nasaan ka provided you are 23 years old and at least [with] five years work experience."

Sinabi naman ni John Rio Bautista, Labor Attaché sa Migrant Workers Office, na milestone kung maituturing ang programa para sa mga Pilipino sa UAE. 

“Tagumpay na naman para sa ating mga kababayan sapagkat nagsisikap sila na talagang mapaangat pa ang kanilang kaalaman,” ani Bautista. “Ito ang magbibigay sa kanila ng magandang trabaho, syempre magandang buhay para sa kanilang pamilya sa Pilipinas."

Ang Transcend Academy ay isa sa ETEEAP coordinator ng Philippine Christian University sa Dubai. Malaki ang pasasalamat ng mga Pinoy sa pagkakataon na matupad ang pangarap nila na magkaroon ng degree.

“Gusto ko po ma-change ‘yung career at environment ko,” bahagi ni Oga Elmer na isa rin na OFW.

Balak ng Transcend na makipag-coordinate sa mga malalaking unibersidad sa Pilipinas para mas mapalawak pa ang mga kursong ibibigay sa mga Pinoy.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.