Libreng legal aid clinic para sa OFWs, isinagawa sa UAE | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Libreng legal aid clinic para sa OFWs, isinagawa sa UAE
ABS-CBN News,
Rachel Salinel | TFC News Dubai
Published Jan 14, 2025 01:32 AM PHT

Mahigit 40 Overseas Filipino Workers mula sa Dubai at Northern Emirates ang tumanggap kamakailan ng libreng legal consultation lalo na sa mga batas ng Pilipinas sa Migrant Workers Office (MWO) sa Dubai.

Inorganisa ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) – Makati Chapter ang “Idulog mo kay Atorni” sa pakikipagtulungan ng Philippine Consulate General, MWO, at maging ng The Filipino Social Club Dubai.

“Karamihan ang dinulog sa amin ay mga isyu ng pamilya, away sa lupa, [at] claims ng mga mana,” ani Atty. Stanley Mari Fabito, siyang pangulo ng IBP Makati chapter.

“[Mayroon] din tungkol sa kanilang documentation at saka mga usaping legal ng adoption. Marami ring areas na minsan kulang din talaga yung isang araw na legal consultation.”

Nagpalitan din ng contact details ang grupo at ang mga dumalo para sa mas madaling coordination.

Naging katuwang ng IBP Makati Chapter ang Philippine Consulate General, ang Migrant Workers' Office, at ang The Filipino Social Club sa Dubai para sa libreng legal aid clinic.

Ayon kay Labour Attaché John Rio Bautista ng Migrant Workers Office - Dubai, bahagi ang programa ng pagpapabuti pa ng kanilang serbisyo sa mga kababayan.

“Kung may problema silang legal dito sa UAE, nandiyan po ang Assistance to Nationals (ng Philippine Consulate General)” aniya. “Pero may mga kababayan din tayo na may problema sa Pilipinas kaya tayo ay nakipag partner sa IBP Makati Chapter para naman matugunan ang mga legal na problema ng mga kababayan.”

Nagpasalamat naman ang OFW na si Elina Estrada sa mga organizer para sa isinagawang legal consultation ng IBP.

“Malaki po ang naitulong ng ‘Idulog mo kay Atorni’ [at] nagpapasalamat ako kasi lahat ng katanungan ko na-solve lahat,” aniya.

Si Nonalie Amedo naman, ibinahagi ang naging karanasan niya sa paglahok sa programa.

“Nasagot yung problema ko nang dumulog ako rito,” aniya. “Ang problema ko is about the birth certificate ng anak ko. Adopted siya [at] ngayon ay may criminal issue kasi simulation of birth pero sabi nila as of now may clemency daw, may amnesty na pwede ko siyang maayos legally.”

Bukod pa kay Fabito ay may lima pa na abogado mula IBP Makati Chapter na tumulong na maging tagumpay ang “Idulog mo kay Atorni” sa Dubai.