Magnitude 5.3 na lindol sa Quezon, nadama sa Bicol Region | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Magnitude 5.3 na lindol sa Quezon, nadama sa Bicol Region

Jeric Lopez,
ABS-CBN News
Published Sep 04, 2024 01:03 PM PHT
|
Updated Sep 04, 2024 01:43 PM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Naramdaman din sa ilang lugar sa Bicol Region ang malakas na pagyanig ng lupa matapos tumama ang magnitude 5.3 na lindol sa Jomalig, Quezon ngayong Miyerkules ng umaga, Setyembre 4.
Ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), natagpuan ang sentro ng lindol sa Jomalig, Quezon. May lalim itong 1 kilometro at tectonic ang pinagmulan nito.
Sa Bicol Region, naramdaman ang iba't ibang instrumental Intensities: Intensity IV sa Jose Panganiban, Camarines Norte; Intensity III sa Daet, Camarines Norte at Tinambac, Camarines Sur; Intensity II sa mga bayan ng Sagnay, Pasacao, at Ragay sa Camarines Sur; habang Intensity I naman sa Iriga City, Camarines Sur at Tabaco City, Albay.
Samantala, sinuspinde na ni Camarines Norte Governor Dong Padilla ang klase sa lahat ng antas sa probinsya, pampubliko man o pribado, upang masiguro ang kaligtasan ng mga estudyante mula sa mga posibleng aftershocks. Magsasagawa naman ang PDRRMC Camarines Norte ng safety inspections sa mga gusali ng paaralan.
Sa isang kuhang video, nagsagawa ng evacuation ang high school department ng isang kolehiyo sa Camarines Norte dahil sa lindol. Agaran ding pinauwi ang mga estudyante matapos nito.
Sa isang paaralan naman sa Labo, Camarines Norte, dali-daling lumabas ang mga estudyante. Makikita sa mga larawan ang pagsasagawa ng "duck, cover, and hold" ng mga estudyante ng Talobatib High School. Nakitaan rin ng mga bitak ang gusali ng paaralan.
Patuloy na minomonitor ng mga awtoridad ang sitwasyon at nagpapaalala sa publiko na manatiling kalmado at mag-ingat.

Read More:
earthquake
Jomalig
Quezon
5.6 magnitude earthquake
Talobatib High School
Mabini Colleges- High School Department
ABSNews
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT