FACT CHECK: MRT-3, walang pa-libreng sakay ng isang taon | ABS-CBN

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

FACT CHECK: MRT-3, walang pa-libreng sakay ng isang taon

FACT CHECK: MRT-3, walang pa-libreng sakay ng isang taon

ABS-CBN Investigative and Research Group

Clipboard

Walang ipinamimigay na beep card o anumang card na libre o nasa murang halaga para sa isang taong libreng sakay ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) o AF Payments Inc. (AFPI), taliwas sa kumakalat sa social media.

Ayon sa post ng Facebook page na “Manila Transport,” namimigay ang MRT ng “free transportation card”  para sa isang taon ng libreng sakay para ipagdiwang ang ika-30 anibersaryo nito.

Makikita sa kalakip na larawan ang imahe ng beep card. Dagdag sa post, makukuha ang card sa pamamagitan ng pagregister sa website o sa app.

Samantala, nag-aalok naman ng isang taon ng libreng subway ride sa halagang P168 ang Facebook page na “Transportation in Metro Manila.”

ADVERTISEMENT

Kung pipindutin ang “APPLY NOW” sa parehong post, mapupunta ang user sa isang check-out site kung saan hinihingi ang mga personal na impormasyon tulad ng pangalan, address, cellphone number, at email.

Dito na rin babayaran sa pamamagitan ng credit card ang halagang P168.29.

Sa inilabas na pahayag ng pamunuan ng MRT-3 noong Setyembre 30, 2024, sinabi nila na hindi konektado ang mga kumakalat na maling impormasyon na ito sa kanilang ahensiya.

“Any statements made on that page, including supposed promotions for free rides, are not sanctioned by the rail line,” ayon sa MRT.

Ayon pa sa kanila, hindi sila nanghihingi ng bank details ng kanilang mga pasahero.

ADVERTISEMENT


Bukod pa rito, sinimulan ang pagtatayo ng MRT-3 noong 1996 at natapos ito noong 1999, kaya’t ipinagdiriwang pa lang ng MRT-3 ang ika-25 na anibersaryo nito ngayong taon.

Noong Setyembre 23, 2024, naglabas ng opisyal na pahayag ang pamunuan ng AFPI na siyang nagmamay-ari ng beep card. Ayon sa kanila, kasalukuyan nang iniimbestigahan ang mga ganitong uri ng online scam. 

“An investigation into this online scheme is currently in progress. Meanwhile, users of beep™ cards and the riding public are advised to take the necessary precautions and avoid clicking on or subscribing to suspicious links that may expose their sensitive, personal, and financial information,” ayon sa AFPI.

Hindi bago ang mga ganitong uri ng scam. Una nang lumabas ang parehong uri ng pekeng impormasyon nito lamang Enero 2024 mula sa isang page na mayroong pangalang “Manila Metro.” Noon ay naglabas na rin ng pahayag ang pamunuan ng Department of Transportation (DOTr) at MRT-3.

Paalala ng mga ahensiya ng gobyerno, huwag basta-basta maniniwala sa mga ganitong uri ng post at ugaliing kumuha ng impormasyon sa mga opisyal na website ng mga ahensiya.

ADVERTISEMENT

“The DOTr advises the public to exercise caution when engaging with suspicious social media accounts misrepresenting as official government agencies. The DOTr and AFPI have NOT AUTHORIZED any sales of any "12 Month Free Subway Rides Card." The public should only refer to OFFICIALLY RECOGNIZED communication channels, including VERIFIED social media accounts of the DOTr and its attached agencies.” paalala ng ahensiya.

Kung kayo’y may alam na kahina-hinalang social media page, group, account, o website, artikulo, larawan, o impormasyong ipinapakalat sa mga messaging app, maaring makipag-ugnayan sa aming email factcheck@abs-cbn.com o Twitter account @abscbnfactcheck.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.