Binatilyo nasaksak sa gitna ng away ng mga kabataan sa Navotas | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Binatilyo nasaksak sa gitna ng away ng mga kabataan sa Navotas

Binatilyo nasaksak sa gitna ng away ng mga kabataan sa Navotas

Jessie Cruzat,

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Sugatan ang isang 15-anyos na binatilyo matapos na mauwi sa pananaksak ang away ng dalawang grupo ng kabataan sa Barangay NBBS Dagat-dagatan, Navotas City, pasado alas-8 ng gabi nitong Martes.

Ayon sa Navotas City PNP, dalawang tama ng saksak sa kaliwang braso at tagiliran ang tinamo ng biktima mula sa isang 16-anyos na suspek.

“Sa ngayon po, ‘yong suspek po natin is minor din po. Sa kasalukuyan po, gumugulong po ‘yong imbestigasyon para po sa kaukulang pagsasampa ng kaso laban po doon sa sinasabi nating minor,” saad ng duty officer na si PCapt. Gregorio Cueto.

Ayon sa kaibigan ng biktima, posibleng dati na umanong alitan ng dalawang grupo ang pinag-ugatan ng away. 

ADVERTISEMENT

Naniniwala siyang hindi mangyayari ang pananaksak kung mayroon ding umawat sa panig ng suspek.

“‘Yong pag-awat po nila, ‘yong kaibigan ko lang po ang inawat nila. Hindi po nila inawat ‘yong kaaway— ‘yong suspek po. Kaya nag-cause po ng pananaksak. Inabot po ‘yong kaibigan ko ng saksak,” kwento ng kaibigan ng biktima.

Depensa naman ng umawat, wala siyang kinakampihan sa dalawang grupo. Nais lang niya umanong mapaalis ang mga nag-aaway sa kanilang lugar dahil nakaburol ang kanyang ama.

“Suntukan pa lang po no’ng inaawat ko. Tapos pagdating po sa malayo, doon po sila nagsaksakan. Nataboy na po namin,” kwento ng umawat.

“Nakaburol po ‘yong papa niya. Inawat niya lang po kasi malapit po doon sa pinagbuburulan ng papa n’ya. ‘Yon lang po ang concern niya para itaboy lang ‘yong nag-aaway. Ang ending po, siya pa po ‘yong napasama," dagdag ng kaanak ng umawat na nakita rin ang pangyayari.

ADVERTISEMENT

Samantala, umamin naman sa barangay ang menor-de-edad na suspek sa nagawang krimen.

“Base po doon sa nanaksak, papaluin daw po siya ng kahoy no’ng mga kaaway niya, kaya pinagtanggol niya lang din daw ‘yong sarili niya," ani Kagawad Monie Flores.

Aminado si Kagawad Flores, hindi na  bago sa kanilang lugar ang riot o away ng kabataan kaya nakatutok sila ngayon sa mas mahigpit na pagpapatupad ng curfew.

“Madalas daw po silang nagki-create ng riot base po sa tanod naming doon nakatira. Madalas din po silang sinisita ng mga residente doon,” dagdaf ni Flores.

Tumanggi nang magbigay ng pahayag ang magulang ng suspek habang nagpapagaling na sa ospital ang biktima. 



ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.