Ilang biktima ng sunog sa Bacoor City, ninakawan pa umano | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ilang biktima ng sunog sa Bacoor City, ninakawan pa umano

Ilang biktima ng sunog sa Bacoor City, ninakawan pa umano

Jeff Caparas,

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 10, 2024 08:13 PM PHT

Clipboard

Ayon kay Kapitan Erning De Rosas, aabot sa 1000 pamilya ang apektado ng sunog sa Bgy Longos, Bacoor City, Cavite na idineklarang fire out kaninang 2:13 ng hapon ng BFP. Courtesy: Angelo Valderama

MAYNILA — Nabalot ng makapal na usok ang Bacoor Exit ng Cavitex sa bahagi ng Barangay Longos matapos na sumiklab ang sunog sa residential area sa Sitio Kanluran, Zapote 3 bago mag tanghali ng Martes.

Nangangalit na apoy ang lumamon sa mga bahay sa lugar. Napuno rin ng mga residente at trak ng bumbero ang kalsada kaya’t pansamantalang di pinadaanan at pinapasok ang mga motoristo sa Bacoor Exit.  

Kanya kanyang salba ng mga gamit ang mga apektadong residente kabilang na ang pamilya ni Flor dela Cruz.

“Kakagising ko lang po kasi nun, tapos sumigaw yung tita ko may sunog nga daw po so ang inuna ko po mga papeles namin na kailangan, naisalba naman po, di po namin ine-expect na aano ang sunog," ani Dela Cruz.

ADVERTISEMENT

Si Leilani Santito, bukod sa sarili ay nailigtas din ang alagang asong si Jerry. Pero bukod dito, tanging isang cabinet at bisikleta na lang ang natira sa kanyang ari-arian.

Ang ilan namang nasunugan na, ninakawan pa umano. Reklamo ng ilan, sinamantala ng ilang kawatan ang insidente.

“Ninakaw po nila kahit nasusunog na, marami pong nagnakaw, iba ibang lugar po pumasok dito eh, nagnakaw sila ng mga gamit na puwede manakaw nila, TV at cellphone,” ayon kay Jonathan Gabriel.

“Nakita ko yung hindi naman po taga rito ninakawan po yung mga bahay dito, sako sakong bigas tsaka mga pera dala nila. Nasunugan na nga po kami rito ninakawan pa po kami,” ayon kay Arnel Calabia.

 Inaalam na ng Bacoor City PNP ang mga reklamo ng mga residente. 

“Wala pa naman pong report sa amin ng nakawan, pero bine-verify po namin ito. Puwede rin po na magsumbong sa amin ang mga nabiktima para po matulungan namin,” ayon kay Police Capt. Junray Caimor ng Bacoor City PNP.

Iniimbestigahan pa ng Bureau of Fire Protection ang pinagsumulan ng sunog na umabot sa ikalawang alarma.

Mabilis umanong kumalat ang apoy dahil sa lakas ng hangin at gawa sa combustible light materials ang mga bahay sa lugar.

Ayon naman sa barangay, aabot sa 1,000 bahay at pamilya ang naapektuhan. 

Humihingi sila ng tulong sa lokal na pamahalaan at ilang mga pribadong indibidwal.

Dadalhin sa mga evacuation center sa mga katabing barangay ng Mambog 2 at Molino 3, 4, 5, at 7 ang mga apektadong residente

Pasado alas kuwarto naman nang buksan na at padaanan na sa mga motorista ang Bacoor Exit ng Cavitex 

KAUGNAY NA VIDEO
KAUGNAY NA VIDEO


ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.