Tourism student na hinihinalang dinukot, nakaligtas sa Maynila | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Tourism student na hinihinalang dinukot, nakaligtas sa Maynila

Tourism student na hinihinalang dinukot, nakaligtas sa Maynila

Lyza Aquino,

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Nakaligtas nitong Biyernes ng madaling araw ang isang estudyante na hinihinalang dinukot sa Maynila.

Ayon kay Bgy. 327 Chairman Merwin San Diego, alas nuebe Huwebes ng gabi nang i-report ng mga magulang ng babaeng biktima na nawawala ang kanilang anak.

Nakita sa CCTV ng Bgy. 327 na sumakay ng tricycle ang biktima na ayon sa salaysay ng kaanak ay papunta sana siya sa isang kaibigan sa Balut, Tondo.

Sa isang viral social media post ng ina ng 20-anyos at Tourism student na biktima, nakasaad doon na nakatanggap ng nakaaalarmang text message ang nobyo at iba pang kaanak mula sa biktima.

ADVERTISEMENT

“Ngayong gabi mga around 9:15 to 9:20 may nareceive kami na message mula sa pamangkin ko na humihingi siya ng tulong, tapos ano sa boyfriend niya, ganun din sa anak ko sabi niya 'tulong, please tulong may humahabol sa akin, tawagan mo na si mama.' Tapos dun naman sa anak ko ang message naman niya, 'tulong please, tulong please,' sabi niya. Nagreply naman yung anak ko 9:34 kung 'bakit ano nangyari,' hindi na siya sumagot,” sabi ni Rona San Diego, tiyahin ng biktima.

Makalipas ang tatlong oras nakita sa CCTV ng Bgy. 334 ang biktima na nakayapak at tumatakbo na sa gilid ng Quiricada Street.

Makikita rin sa video ng barangay na umiiyak ang biktima habang humihingi ng tulong na makauwi sa kanyang pamilya.

"Ayun nga nagulat na lang kami may biglang dumating dito na isang tricycle na 'yung pamangkin ko nga daw is nandun na sa may Quiricada. So agad agad sumakay kami sa kanya. Pagdating namin dun nakita ko 'yung pamangkin ko puro, wala nang tsinelas, di alam kung ano’ng nangyari. Sabi niya kinulong daw siya nang di daw niya kilala," ayon sa tiyahin ng biktima.

"Kaya nung makita niya ako kanina talagang yakap siya ng todo, sigaw siya sabi niya 'Mommy, mommy, 'yung kwarto, binabanggit niya may kutsilyo, tinututok'... Ang sabi lang niya merong nasa likod niya tinutukan lang siya. Pagtutok sa kanya, pinaglakad daw siya ng mabilis tapos wala na hindi na niya alam," dagdag niya.

ADVERTISEMENT

Nagsasagawa na ngayon ng imbestigasyon ang Manila Police District Station 3 hinggil sa insidente.

“Opo narefer na po sa pulis. Bale ngayon po nagba-backtrack na po mga pulis para malaman kung saan nagsimula yung pangyayari...Opo, siyempre traumatized yung bata kaya siguro next step po yung pag refer sa DSWD po for debriefing po,” sabi Bgy. Chairman San Diego.

"Sa mga bata ngayon sana mag-ingat huwag basta basta aalis ng bahay na hindi nagpapaalam sa magulang. Sa mga salbaheng gumawa ng krimen sana makonsensya kayo,” dagdag niya.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.