2 construction worker sa Makati, nabagsakan ng gumuhong firewall; 1 patay | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 construction worker sa Makati, nabagsakan ng gumuhong firewall; 1 patay

ABS-CBN News,
Jessie Cruzat
Published Aug 10, 2024 10:15 AM PHT

MAYNILA — Patay ang isang construction worker habang sugatan ang isang kasamahan niya matapos mabagsakan ng gumuhong firewall sa Barangay Palanan, Makati City, pasado alas-2 ng hapon nitong Biyernes.

Ayon sa residente na si Jong Co, humingi umano sa kanya ng tulong ang isa sa apat na construction worker na nagtatrabaho sa lugar para tumawag ng rescue team.

“Naramdaman na lang po namin pagbagsak ng pader parang lumilindol. Akala namin lumilindol. ‘Yon na po pagbagsak po, humingi na po ng tulong ‘yong dalawa,” sabi niya.

Agad na rumesponde ang barangay rescue at Makati Search and Rescue team para maialis sa pagkakaipit ang dalawang construction worker.

“Medyo mahirap po kasi magkahiwalay sila ng posisyon pero sa tulong po ng Makati Search and Rescue, nagawa naman po nila ‘yong trabaho nila para ma-rescue po ‘yong taong naipit,” ani Jeffrey Yang, Team Leader ng Palanan Rescue.

“Hindi ko po masasabi kung sino po ‘yong nagkaroon ng lapses po diyan. Kasi ‘yong scenario po nila is hindi natin ma-define. Upon arriving, nakaguho na po ‘yong wall po,” dagdag ni Yang.

Gumamit na rin umano ng hydraulic drill, airbag, at iba pang heavy equipment ang rescue team para mas mapadali ang pagkuha sa dalawa.

Idineklara nang wala nang buhay ang isa sa dalawang construction worker ng 3:45 ng hapon. Dinala sa ospital ang kasama niyang nagtamo ng sugat sa katawan.

Ayon sa Makati City Police, parehong taga-Quezon City ang dalawang construction worker.

Sabi ng barangay, nakatakda umanong makipag-usap ang taga-construction firm sa kanila hinggil sa insidente.