PNP may 8 na iniimbestigahan sa pag-kidnap at pagpaslang sa 2 Chinese | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
PNP may 8 na iniimbestigahan sa pag-kidnap at pagpaslang sa 2 Chinese

MAYNILA — May walong persons of interest nang tinututukan ang Philippine National Police sa pagpaslang sa kinidnap na 2 lalaking Chinese national sa Camarines Sur.

Ayon kay PNP PIO Acting Chief at Spokesperson Col. Jean Fajardo may mga pangalan na sila ng ilang mga dayuahan at Pilipino na tinukoy nilang maaring may kinalaman sa krimen.

Kabilang aniya rito ang sumundo sa mga biktima sa airport noong Hunyo 20.

"I think mga nasa around 8 POIs yung tinitingnan natin with respect dito sa case na ito — meron din pong mga Pilipino, including yung sumundo sa kanila doon sa airport noong huling nakita silang buhay at nagkaroon ng communication doon sa kanilang pamilya," sabi ni Fajardo.

ADVERTISEMENT
Ang person of interest ay hindi pa suspek ngunit bahagi ng imbestigasyon.

Ayon kay Fajardo, nakilala ng 2 biktima ang ilan sa mga persons of interest sa ibang bansa na inimbitahan silang bumisita sa Pilipinas para sa mga investment.

Nagpunta ang dalawa sa Pilipinas at nakausap pa ng kanilang mga kaanak noong dumating sa bansa.

"Until noong gabi nga noong araw na dumating sila ay naka-receive yung pamilya ng isa sa biktima asking for P5 million Chinese Yuan. So I understand nakapagbigay and yet after a few days wala talagang contact," dagdag niya.

Kalaunan ay nahanap ang mga labi ng 2 sa Camarines Sur.
Kalaunan ay nahanap ang mga labi ng 2 sa Camarines Sur.
ADVERTISEMENT
MAARING MAY KINALAMAN SA NEGOSYO
Anggulong may kinalaman sa negosyo ang tinitinggnan ng PNP matapos lumitaw sa imbestigasyon na mga negosyante ang dalawang Chinese.

Inaayos na ng PNP Anti-Kidnapping Group ang ilang dokumento para makapagsampa ng reklamo.

Matatandaang Hunyo 23 nakipag-ugnayan ang abogado ng isa sa mga biktima sa mga awtoridad para ireport ang insidente.

Hunyo 24 nang makatanggap ng impormasyon ang PNP AKG sa PNP Camarines Sur na may natagpuang 2 bangkay sa Sitio Rawis sa Barangay Patitinan sa bayan ng Sagñay, na kalaunan ay positibong kinilala ng mga pamilya ng mga biktima.