BFAR test shows negative traces of oil spill in Bataan fish samples | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

BFAR test shows negative traces of oil spill in Bataan fish samples

BFAR test shows negative traces of oil spill in Bataan fish samples

Pia Gutierrez,

ABS-CBN News

Clipboard

A thick layer of oil can be seen across the water’s surface approximately four kilometers from the coastline in Tibaguin Island, Hagonoy, Bulacan. Noel Celis, Greenpeace/HandoutA thick layer of oil can be seen across the water’s surface approximately four kilometers from the coastline in Tibaguin Island, Hagonoy, Bulacan. Noel Celis, Greenpeace/Handout

MANILA -- The Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) says it is not yet recommending the implementation of a fishing ban following the oil spill caused by the sinking of MT Terra Nova last week off the coast of Limay, Bataan.

According to BFAR Spokesperson Nazer Briguera, results of the sensory evaluation of fish samples in Bataan showed negative traces of the oil spill.

"Base doon sa samples na ginawa natin sa Bataan, sabi ko nga ay pumasa ito sa sensory evaluation. So, as we speak right now, iyong mga nabibili diyan ay ligtas pa naman itong i-consume at tayo naman po ay nagpakalat din ng mga ground personnel doon sa mga landing areas ng mga isda to check kung ito po ay may mga traces ng oil slick. Pero, as we speak right now, wala pa po kaming nakukuhang ulat na ganoon," he said.

However, the decision to declare a fishing ban would be with the LGUs.

ADVERTISEMENT

"Kaya lang matapos na mailabas natin iyong opisyal na pahayag na iyon, may latest report tayo na natanggap mula doon sa Region III na kung saan nagkaroon ng pag-uusap ang mga officials/iyong inter-agency officials natin at sinasabi na iyong pagpapasya tungkol sa pagdedeklara ng fishing ban ay binibigay na po ito sa mga local government units – ibig sabihin, nasa local government units ang pagpapasya kung magdedeklara sila base doon sa aktuwal na sitwasyon na nangyayari sa kanilang lokalidad," he said.

"Ang mandato po ngayon ng BFAR ay siguraduhin na patuloy ang assessment and evaluation patungkol doon sa kaligtasan sa pagkonsumo ng isda doon sa mga apektadong lugar. Pero, siguro mas safe na sabihin na rin lalo na dito sa Cavite lalo na kung nakikita talaga natin ang actual situation – may oil slick na ‘no, talagang may kumapit ng mga oil slick doon sa crustaceans, iyong mga alimango or iyong mga shellfish at isda na sabihin nating dumaong na patay na ito – so, huwag na po nating i-consume ito – so, iyon po siguro ang magiging abiso natin. May fishing ban man o wala, nakikita natin iyong actual situation, tayo po ang magdedesisyon kung talagang ligtas ba o hindi na," he added.

Briguera adds that BFAR is ready to provide assistance to fisherfolk affected by the oil spill.

"Kung relief operations, willing naman po ang BFAR, handa ang BFAR na tumulong although ang pinaka may mandato na po ngayon ayon sa naging usapan sa pagpupulong ay ang DSWD but after the relief operations comes the rehab – dito po kami papasok kung may mga nasirang lambat na nakaapekto sa kabuhayan ng mga mangingisda, ang BFAR po ay handa na magbigay ng suporta sa ating mga mangingisda upang makabangon po sila," he said.

The BFAR also advises residents helping in the cleanup to avoid direct contact with the oil slick and to wear protective gear.

ADVERTISEMENT

"Unang-una, kailangan iyong cleanup, pero ang abiso po natin diyan kapag magiging bahagi tayo ng cleanup dapat may protective equipment po tayo lalo na doon sa mga residente, huwag pong basta-basta magkakaroon ng contact doon sa oil slick ‘no; at iyong amoy nito lalo na doon sa mga asthmatic puwedeng makaapekto," he said.

The BFAR also dismissed as fake news social media posts claiming that fish in Bataan are infected by HIV.

"Nagpalabas na po tayo diyan ng opisyal na pahayag, isa po itong post na kumalat apparently sa social media at nakarating sa text na ipinasa-pasa, so kaya kailangan naming magpalabas ng isang opisyal na pahayag na ito po ay isang fake news – wala pong ganoong insidente, wala pong ganoong pangyayari at iyong mga nabibili natin na isda sa ating mga palengke kapag ito po ay sariwa ay ligtas po silang kainin siguraduhin lamang na nilinis sila nang mabuti, tamang pagluluto para masiguro natin ang kaligtasan," he said.

"Pero, doon po sa balita na may itinapong mga hospital waste at na kontaminado ng HIV na nakontamina iyong isda – kung sinuman po ang nagpapakalat nito, maging responsable po kayo dahil hindi po kayo nakakatulong sa publiko."

Briguera also has a reminder to the public regarding the consumption of tilapia or catfish caught in floodwaters.

ADVERTISEMENT

"Iyong nakita nating mga nahuhuling bahang tilapia, hito – posible po iyon kapag may pagbaha kasi may pag-apaw ng mga fishpond ‘no kaya nakakawala iyong mga isda. Ngayon, puwede po iyong hulihin – iyon naman po ay sariwa lalo na’t buhay," he said.

"Pero ang abiso namin, ang advice namin sa publiko, linising mabuti ito bago lutuin. So, hugasan nang mabuti at ito ay nahuli naman nang sariwa – wala naman po kaming nakikitang problema na konsumuhin ito ng ating mga kababayan."

RELATED VIDEO




ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.