5 eskwelahan sa Maynila hindi muna nag-klase dahil sa epekto ng Bagyong Carina | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
5 eskwelahan sa Maynila hindi muna nag-klase dahil sa epekto ng Bagyong Carina

ABS-CBN News
Published Jul 29, 2024 03:14 PM PHT
|
Updated Jul 29, 2024 04:10 PM PHT

MAYNILA — Sinabayan sa flag-raising ceremony ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan ang mga estudayante ng Elpidio Quirino High School sa Bacood sa Sta. Mesa, Maynila sa pagbubukas ng klase ngayon araw.

Dito nag-ikot na rin sa paaralan ang alkalde at sumalubong sa kanya ang ilang mga libro at notebook na nabasa dahil sa nagdaang bagyo.

Matapos nito ay sa Rosauro Almario Elementary School sa Kagitingan Street sa Tondo nagtungo ang alkalde.

Dito namigay siya ng mga notebok sa mga estudyante kasama ang ibang opisyal ng Maynila.
Dito namigay siya ng mga notebok sa mga estudyante kasama ang ibang opisyal ng Maynila.
ADVERTISEMENT
“Yung po ay request na rin nung paaralan natin dahil patuloy pong niliinis ang kanila pong mga paaralan, ginamit po kasi ito bilang mga evacuation centers natin. So patuloy lang po ngayon araw, kasi pina-flushing pa po yan talagan nililinis na mabuti bago talaga pumasok ang mga mag-aaral.” ayon kay Lacuna-Pangan.

“Main concern ko is mga school supplies po nila, other than that wala naman tayo iba pang concern sa atin mga schools… yung mga libro natin chinecheck natin mga eskuwelahan sa mga libro at school supplies.” dagdag niya.

Ayon kay Lacuna-Pangan, unti unti nang bumabalik sa normal ang lungsod. Patuloy aniya ang paglilinis sa mga kalsadang binaha.

Nananatili naman umano sa Delpan evacuation center ang nasa 700 pamilya at nasa 1000 pamilya naman ang nasa evacuation sa Baseco.

Ayon naman kay Rita Riddle, school division superintendent ng Maynila limang paaralan ng Maynila ang hindi nakasabay sa pagbubukas ng klase ngayong araw.

Ito ang Lakandula Elementary School, Calderon High School, Tondo High School, V. Mapa High School at Cayetano Arellano High School na bukas tatanggap ng mga estudyante nito.

“Natapos naman po ng Biyernes, Sabado at Linggo, ang lahat po ng ating paaralan bukod po doon sa lima ay nagkaroon naman po ng kahandaan sa pagbubukas ng klase… Meron po kasing natambak na mga puno at mga basura sa dami din naman na inaasikaso ng city hindi nila agad mahakot ito, kaya humingi sila ng isang araw pang extension.” sabi ni Riddle.

Nasa 287,000 ang kabuuang bilang ng mga estudyante sa Maynila mula elementarya hanggang highschool nitong nakaraang taon.

Ganitong bilang din ang inaasahan ng DepEd ngayong school year.

Tinapos ng mga matataas ng opisyal ng Maynila ang pagiikot sa Dr. Albert Elementary School sa Dapitan Street sa Sampaloc.

RELATED VIDEO
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT