Ilang empleyado, stranded sa baha sa Mandaluyong City | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ilang empleyado, stranded sa baha sa Mandaluyong City

MANILA -- Nagsimula nang humupa ang baha sa ilang bahagi ng Mandaluyong City, bandang alas otso ng gabi ng Miyerkules.

Nasa sampung barangay sa Mandaluyong ang nalubog sa maghapon dahil sa matinding pag-ulan at pag-apaw ng mga creek at ilog na tumatagos sa lungsod tulad ng San Juan River at Pasig river.

Bagamat may mga lugar na humupa na ang baha, baha pa rin sa New Panaderos Street at Shaw Boulevard, bandang alas diyes ng gabi.

May mga bahagi pa ring hindi madaanan ng mga sasakyan dahil sa bahang abot ng dalawang talampakan.
May mga bahagi pa ring hindi madaanan ng mga sasakyan dahil sa bahang abot ng dalawang talampakan.
ADVERTISEMENT
May mga stranded pa rin sa mga lugar na ito, lalo't wala pa ring mga pampublikong sasakyan ang nakakadaan sa mga kalsadang ito.

Isa sa kanila ang manggagawang si Marco Clerino na nagtatrabaho sa Bonifacio Global City at umuuwi sa Maynila.

Ayon kay Clerino, nagbaka-sakali siyang makadadaan siya sa Shaw Boulevard kaysa sa karaniwan niyang ruta sa Cubao.

"Hindi ko naman nabalitaan na malalim pala 'yong baha rito. Hintayin ko na sigurong bumababa yung baha tapos lulusong na ako. Bahala nang mabasa," sabi ni Clerino.

May ilang lumusong na lang sa lampas-tuhod na baha at nag-desisyong maglalakad na lang hanggang may mahanap na masasakyan pauwi.

Ayon kay Vice Mayor Menchie Abalos, wala ng rescue operations kagabi ang Mandaluyong City CDRRMO pero patuloy pa rin ang monitoring sa mga bahang lugar.

Sa huling tala ng LGU, halos isang libong pamilya na ang inilikas sa Mandaluyong City.

Kasalukuyang nasa ilalim ng state of calamity ang buong Metro Manila dahil sa pananalasa ng habagat at ng bagyong Carina.

KAUGNAY NA ULAT:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT