Mga operator, tsuper ng modern jeepney at bus na naggitgitan, pinagpapaliwanag | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga operator, tsuper ng modern jeepney at bus na naggitgitan, pinagpapaliwanag

Mga operator, tsuper ng modern jeepney at bus na naggitgitan, pinagpapaliwanag

Johnson Manabat,

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 23, 2024 08:20 PM PHT

Clipboard



MAYNILA (UPDATED) — Pinagpapaliwanag na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at ng Land Transportation Office (LTO) ang mga operator at driver ng bus at modern jeepney na sangkot sa gitgitan sa gitna ng kalye nitong Linggo ng hapon.

Ayon sa LTFRB, pinadalhan na ng show cause order ang mga operator nito at dapat ay maipaliwanag nila kung bakit hindi dapat patawan ng isang buwang suspensiyon ang kanilang mga prangkisa.

Sabi ng LTO-NCR, sa August 7 ay may hearing na kung saan inaasahang magpapaliwanag ang mga operator nito gayundin ang kanilang mga driver.

Ayon sa modern jeepney driver na si Ronaldo Rocco, nagsimula ang alitan sa trapiko sa Morayta.

ADVERTISEMENT

“Huminto kami ng Morayta waiting shed para kumuha ng pasahero, ito pong bus na ‘to biglang dumating, binalagbagan kami sa harapan,” kwento ni Rocco.

Isa siya sa mga drayber ng Sandigan Transport Service Cooperative.

Ayon sa chairperson ng kooperatiba na si Ferdie Lupangosy, hindi isyu ang route rationalization sa ilalim ng PUV modernization program.

“Yun eh typical na nangyayari kahit kanino, tingin ko rito yung temper lang ng mga driver ang dapat nating i-ayos, hindi yung modernization,” dagdag niya.

Sinampahan na ng 7-day suspension si Rocco habang iniimbestigahan ng kooperatiba ang insidente.

Sinubukan ng ABS-CBN News na kunin ang panig ng operator ng bus na sangkot sa insidente ngunit hindi pa ito naglalabas ng pahayag.

Ayon sa LTO, nakaalarma na nitong Lunes pa ang modern jeepney at bus na sangkot sa gitgitan at hindi na dapat bumibiyahe.

Matatandaan na nitong Linggo ng hapon, nakuhanan ng video ang gitgitan ng bus at modern jeepney na ito sa kanto ng P. Campa at España Boulevard sa Maynila.

Maririnig din sa video ang malalakas na busina ng mga motoristang naabala dahil naharangan ang kanilang daan.

Ayon pa kay LTO Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, nakakadismaya at nakakagulat ang naging kilos ng dalawang drayber lalo na’t pampublikong sasakyan ang kanilang minamaneho. 

“I already ordered the LTO-NCR to identify the drivers of the two passenger vehicles. What they did is unacceptable and that their bad temper that put the lives of fellow motorists and commuters at risk should not go unpunished,” ani Mendoza.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.