FACT CHECK: Walang 'urgent hiring' ang PNP ngayong 2024 | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
FACT CHECK: Walang 'urgent hiring' ang PNP ngayong 2024
FACT CHECK: Walang 'urgent hiring' ang PNP ngayong 2024
ABS-CBN Investigative and Research Group
Published Jul 23, 2024 04:41 PM PHT
|
Updated Jul 23, 2024 05:17 PM PHT

MAYNILA — Hindi galing sa Philippine National Police (PNP) ang kumakalat sa social media tungkol sa urgent hiring diumano ng ahensya ngayong 2024 na nag-aalok ng P48,600 na buwanang sahod.
MAYNILA — Hindi galing sa Philippine National Police (PNP) ang kumakalat sa social media tungkol sa urgent hiring diumano ng ahensya ngayong 2024 na nag-aalok ng P48,600 na buwanang sahod.
Sa magkakaibang post ng Facebook page na “Government PH,” mababasa sa caption ang katagang “PNP URGENT HIRING.”
Sa magkakaibang post ng Facebook page na “Government PH,” mababasa sa caption ang katagang “PNP URGENT HIRING.”
Ayon sa post, kabilang sa mga diumano’y kwalipikadong aplikante ang mga gradweyt ng K-12, high school, at kolehiyo at ang mga nasa kolehiyo na nakakuha na ng 72 units.
Ayon sa post, kabilang sa mga diumano’y kwalipikadong aplikante ang mga gradweyt ng K-12, high school, at kolehiyo at ang mga nasa kolehiyo na nakakuha na ng 72 units.
Makikita sa larawan na kalakip ng post ang ilan pang kwalipikasyon tulad ng taas na hindi bababa sa limang talampakan at pagkakaroon ng walang limitasyon sa edad.
Makikita sa larawan na kalakip ng post ang ilan pang kwalipikasyon tulad ng taas na hindi bababa sa limang talampakan at pagkakaroon ng walang limitasyon sa edad.
ADVERTISEMENT
Makikita din sa caption ng post ang link kung saan maaaring magparehistro ang mga interesadong aplikante.
Makikita din sa caption ng post ang link kung saan maaaring magparehistro ang mga interesadong aplikante.
Kung pipundutin ang nasabing link, mapupunta ang user sa hindi otorisadong website ng PNP. Hinihingi rito ang ilang mga personal na detalye ng aplikante tulad ng pangalan, email, at phone number.
Sa isang post sa kanilang opisyal na Facebook account, itinanggi ng PNP na galing sa kanila ang kumakalat na maling impormasyon tungkol sa recruitment ng ahensiya.
“The PNP did not release any announcement with regards to the recruitment of PNP personnel,” ayon sa PNP.
Ayon pa sa PNP, ang mga job opening at hiring process para sa pagkapulis ay maaaring makita sa kanilang opisyal na website at Facebook account na PNP Recruitment and Selection Service.
MGA PAMANTAYAN SA PAGKAPULIS
Batay sa Implementing Rules and Regulations ng Republic Act No. 9708 at ng Republic Act No. 11549, ilan sa mga pamantayan para maging unipormadong miyembro ng PNP ay ang mga sumusunod:
- • Pagiging citizen ng Pilipinas
- • Pagkakaroon ng moral na katangian
- • Pagpapasa sa mga physical at mental test na isasagawa ng PNP
- • Pagkakaroon ng bachelor’s degree
- • Nasa edad 21 hanggang 30 na taong gulang sa oras na magsumite ng aplikasyon
- • Hindi bababa ng 5’2” o 157cm ang tangkad para sa mga lalaki at 5’0” o 152cm para sa mga babae
- • Hindi hihigit o mas mababa sa limang kilo ang timbang mula sa karaniwang timbang na naaayon sa taas o kasarian ng aplikante

Noong Hunyo 3, 2024, naglabas ang PNP ng anunsiyo tungkol sa mga dokumento na kinakailangang ihanda ng mga interesadong aplikante sa pinakamababang ranggo na patrolman o patrolwoman. Ilan sa mga ito ang birth certificate mula sa Philippine Statistics Authority, diploma sa kolehiyo, at ang resulta ng alinman sa PNP Entrance Examination, Civil Service Professional Examination, Bar Examination, o Board Examination.
Ayon sa post ng PNP, ang patrolman o patrolwoman ay may basic pay na P29,668.
Hindi pa tinutukoy ng PNP ang detalye ng pagsusumite ng mga nasabing dokumento.
Payo ng PNP, maging mapanuri at huwag basta-basta maniniwala sa mga post online.
Payo ng PNP, maging mapanuri at huwag basta-basta maniniwala sa mga post online.
“..it is strongly advised to refer directly to the official PNP website or their verified social media accounts. Always cross-verify any claims or posts about PNP job opportunities with these official sources to avoid falling victim to scams,” paalala ng pamunuan ng PNP.

Hindi ito ang unang beses na na-fact check ng ABS-CBN ang mga maling impormasyon tungkol sa recruitment ng mga ahensiya ng gobyerno.
—with research from Maebelyn Fabellore, ABS-CBN Investigative and Research Group Intern
Kung kayo’y may alam na kahina-hinalang social media page, group, account, o website, artikulo, larawan, o impormasyong ipinapakalat sa mga messaging app, maaring makipag-ugnayan sa aming email factcheck@abs-cbn.com o Twitter account @abscbnfactcheck.
Read More:
PNP hiring
PNP
police hiring
PNP Entrance Exam
NAPOLCOM
misinformation
disinformation
fake hiring
ABS-CBN Investigative and Research Group
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT