Lalaki, timbog dahil sa umano’y extortion; biktima, nakilala sa dating app | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalaki, timbog dahil sa umano’y extortion; biktima, nakilala sa dating app

ABS-CBN News
Published Jul 19, 2024 11:08 AM PHT

MAYNILA – Inaresto ng pulisya sa Parañaque nitong Biyernes ng madaling-araw ang isang lalaki matapos umanong takutin at humingi ng pera sa biktimang babae kapalit ng hindi pagkalat ng malalaswang larawan at videos online.

Mismong si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos ang pumunta sa District Special Operations Unit (DSOU) ng Southern Police District para makita ang pagkakadakip sa 25-anyos na suspek na isang call center agent, na nahuli ng pulisya malapit sa kanyang bahay.

Kita sa arrest video ang pagpalag pa ng suspek nang arestuhin ng operatiba ng DSOU sa isang entrapment operation.

Batay sa imbestigasyon, nakilala niya ang 19-anyos na biktima sa dating application nitong Sabado.

ADVERTISEMENT
Inireklamo ng magulang ang insidente, sabi Abalos.

“May nagsumbong sa akin at sa pulis ang magulang ng isang bata na itong bata na ito ay nag-dating app. Pagkatapos sa dating app, doon na lumabas – hinihingan na ng litrato. Tapos nang makipagkita ay ginahasa at hinihingan pa ng pera,” sabi ng kalihim.

Hindi muna inilahad ng pulisya kung magkano ang hininging pera ng suspek habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Inamin ang suspek na mayroon siyang mga malalaswang retrato ng biktima pero giit niya, hindi umano niya pinilit ang dalaga.

Wala siyang naging tugon nang tanungin kung ilan ang kanyang naging biktima at kung magkano ang hinihingi niyang perang kapalit.

“Pareho naming ginusto. Hinatid ko pa nga siya pag-uwi,” sabi ng suspek.

“After namin magkita noong una, nagkaroon kami ng labuan. Tapos parang nararamdaman ko na umaayaw na siya tapos hindi na siya nag-uupdate… naisipan ko na gusto ko nang itigil yung pakikipagkita,” dagdag niya.

“Nakakaramdam ako na wala siyang interest. Sabi ko bigyan na lang niya ako ng pera, hindi na kami magkikita,” sabi pa ng suspek.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente at patuloy nilang inaalam kung gaano pa karami ang kanyang mga nabiktima.

“Yung mga telepono, video, na nakahubad dito, kikilalanin lahat yan. Ita-try tawagan kung mayroon man. All of these are under investigation,” sabi ni Abalos.

“Nakita natin personally na nanghihingi ng pera,” sabi ni PMaj. Maynard Pascual, Acting Chief ng DSOU-SPD.

May paalala si Abalos sa mga magulang.
May paalala si Abalos sa mga magulang.
“Bantayan niyo ang mga anak niyo sa dating app. Dahil ito ang bagong trend ngayon. Sa mga bata na umaano sa dating app, mag-ingat kayo dahil hindi niyo kakilala ang taong ito… iba ang panahon ngayon. At huwag na huwag kayong magbigay ng litrato doon,” aniya.

Nakakulong sa isang pasilidad sa SPD ang suspek na nahaharap sa reklamong robbery extortion at disobedience to persons in authority.

Posible rin umano siyang maharap sa reklamong rape.