Babaeng nag-abandona umano ng fetus sa Valenzuela City, arestado | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Babaeng nag-abandona umano ng fetus sa Valenzuela City, arestado

Arestado ng Valenzuela City Police Station nitong Biyernes ng umaga ang babaeng itinuturong nag-abandona umano ng fetus sa harap ng convenience store sa Barangay Punturin nitong Huwebes.

Natunton ng pulisya ang babae sa pamamagitan ng follow-up operation at backtracking ng CCTV sa barangay.

Kita sa CCTV ang pagdaan ng babaeng nakaputi, at may hawak na green plastic bag.

Hindi na nakunan sa CCTV ang aktwal na pagtapon ng babae sa fetus pero positibo ang pulisya at barangay dahil magkapareho ang kanyang plastic bag na bitbit sa natagpuan sa basurahan.

“Sa CCTV, na-identify natin yung nag-iwan talaga ng plastic bag… Mayroon siyang pupuntahan at nabuntutan ng mga operatiba natin,” sabi ni PCol. Nixon Mata Cayaban sa panayam sa ABS-CBN News.

“Noong natapos ang transaction niya sa Municipal Trial Court, dinala na namin sa Valenzuela Police Station headquarters,” dagdag ni PCol. Cayaban.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, may dati nang kasong estafa ang babae sa Valenzuela.

Aminado umano ang 31-anyos na suspek sa kanyang krimen. Batay sa impormasyon na ibinigay niya sa pulisya, mag-aabroad sana ang babae.

“Anak nga daw niya iyon, at sabi niya tinapon niya doon sa basurahan. May binabanggit siya na nagpaanak sa kanya. Pero nagfa-follow up kami para maharap sa description address sa Meycauayan… pero allegedly lang,” sabi ni PCol. Cayaban.

“Arrested na ito. Hindi namin ito tinulugan. Nine-thirty arrested na siya nang umaga,” dagdag niya.

Naibigay na sa punerarya ang fetus.
Naibigay na sa punerarya ang fetus.
Nakakulong naman ang 31-anyos na babae sa custodial facility ng Valenzuela City Police Station.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Article 258 ng Revised Penal Code dahil umano sa abortion na kanya mismo umanong ginawa.