Tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China sa West PH Sea, patuloy pa rin | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China sa West PH Sea, patuloy pa rin

Patrol ng Pilipino
Published Jul 13, 2024 01:08 AM PHT

MAYNILA — Walong taon mula nanalo ang Pilipinas sa kasong teritoryal laban sa China, patuloy pa rin ang pagbabanta at pag-angkin ng dayuhan sa West Philippine Sea.

Hulyo 12, 2016, nagdesisyon ang Permanent Court of Arbitration sa The Hague, Netherlands pabor sa Pilipinas.

Sa desisyon, sakop ng exclusive economic zone ng bansa–o ang 200 nautical miles mula sa baybayin nito–ang West Philippine Sea, batay sa United Nations Convention on the Law of the Sea.

Ngunit hindi kinikilala ng China ang desisyong ito dahil sa kanilang tinaguriang "nine-dash line" at ginigiit na kabilang ang West Philippine Sea sa umano’y makasaysayang teritoryo nila.

Walong taon mula ang desisyon, dumaranas pa rin ng pagpapatrolya at harassment ang Philippine Coast Guard at mga Pilipinong mangingisda dulot ng militar at komersyal na operasyon ng China sa lugar.

Samantala, pinapatibay naman ng lokal na militar ang pagdepensa ng inaangking bahagi ng Pilipinas. – Ulat ni Michael Delizo, Patrol ng Pilipino

Read More:
Patrol ng Pilipino
Michael Delizo
West Philippine Sea
South China Sea
China
UNCLOS
arbitral ruling
Permanent Court of Arbitration
territorial claim
EEZ
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT