Manila Bulletin sinuspende ang mga empleyadong dawit sa hacking issue | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Manila Bulletin sinuspende ang mga empleyadong dawit sa hacking issue

Inihain nitong Martes ng NBI Cybercrime Division ang subpoena para kay Art Samaniego sa tanggapan ng Manila Bulletin sa Intramuros, Manila. Niko Baua, ABS-CBN News

MAYNILA — Pormal nang pinapatawag ng NBI ang senior technology officer ng Manila Bulletin na si Art Samaniego.

Inihain nitong Martes ng NBI Cybercrime Division ang subpoena para kay Samaniego sa tanggapan ng pahayagan sa Intramuros, Manila.

Pinagpapaliwanag ng NBI si Samaniego tungkol sa alegasyon ng kanilang security data officer na si alyas Kangkong na siya umano ang nag-utos dito na mag-hack ng mga website para gawing content.

Kinumpirma ng Manila Bulletin na kasalukuyang suspendido si Samaniego at si Kangkong.

ADVERTISEMENT
“We are conducting our own internal investigation to validate the veracity of these allegations," sabi ni Reynaldo Rafal, Vice President for Administration ng Manila Bulletin.

Kinumpirma rin ng pahayagan na may dating reklamo si Samaniego ng pang-hahack, pero sapat na raw ang ginawa niyang public apology noon.

Ayon naman sa NBI, ilang mga ahensya at kompanya ang nakipag-ugnayan na sa kanila tungkol sa mga hinack na website ni Kangkong.

“Definitely sa verification process, we will send correspondence to determine whether or not totoo ang allegations," sabi ni Jeremy Lotoc, hepe ng NBI Cybercrime Division.

Hinihintay din ng NBI ang paglabas ng cyber warrant para sa mga nabawing gadget mula sa mga hacker para isailalim sa digital forensic exam.

KAUGNAY NA VIDEO
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT