'Bisyo 'to': Vape brand 'di nirerekomenda ang produkto sa 'first-timers' | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Bisyo 'to': Vape brand 'di nirerekomenda ang produkto sa 'first-timers'

Jeffrey Hernaez,
ABS-CBN News
Published Jun 02, 2024 04:22 PM PHT
|
Updated Jun 02, 2024 05:13 PM PHT

Isang lalaki ang nagve-vape sa labas ng isang restaurant sa Mandaluyong noong 2019. Gigie Cruz, ABS-CBN News/File

MAYNILA — Hindi umano hinihikayat ng isang vape brand ang mga hindi naninigarilyo o hindi pa rin gumagamit ng vape na gumamit ng kanilang produkto.

Ito ay matapos kumpirmahin ng Department of Health (DOH) na may naitala nang vape related death sa bansa at may dalawa pang kaso ng EVALI o E-Cigarette or vaping product use associated injury.

Ayon sa Chief Executive Officer ng vape brand na SHFT na si Eugene Chua, hindi rin umano nila sinasabi na mas mabuti sa kalusugan ang paggamit ng vape.

"Actually, hindi ko sinasabi na vaping is healthy, vaping is still harmful, maybe much lesser harmful than cigarettes, kasi wala siyang tar," aniya.

Sinabi rin niya na hindi sila nanghihikayat ng mga hindi naninigarilyo o hindi nagve-vape na gamitin ang produkto nila.

"Our products are for cigarette smokers only, existing vapers only. Never namin in-advocacy na manghikayat ng taong hindi nagsisigarilyo, hindi nagve-vape na gumamit sila ng vape," giit ni Chua.

Una nang kinumpirma ng DOH na nasawi ang isang dalawampu at dalawang taong gulang na vape user bunsod ng matinding pinsala sa baga.

"DOH and PGH raises warning on vape as it cites first Filipino death. Bente-dos anyos na namatay sa heart attack. Ang pinaka-striking sa kasong ito 'yung kaniyang heart attack, wala siyang risk factors maliban sa araw-araw siyang nagva-vape for the past two years bago siya atakihin sa puso," ayon sa naunang pahayag ni Health Assistant Secretary Albert Domingo.

Aminado naman si Chua na hindi mabuti sa kalusugan ang vape ngunit alternatibo pa rin sa paninigarilyo.
Aminado naman si Chua na hindi mabuti sa kalusugan ang vape ngunit alternatibo pa rin sa paninigarilyo.
ADVERTISEMENT
"Itong produktong ito is just an alternative for cigarette smokers na maghahanap ng 'ayoko ng mabaho, gusto ko ng less dangerous, ayoko ng nicotine,' ito ang produkto natin," giit ni Chua.

Suportado rin umano ni Chua ang rekomendasyon ng health experts na itaas sa 21 taong gulang mula sa kasalukuyang 18 taong gulang ang papayagang makabili ng vape products.

Hindi rin umano sila pabor sa pagbebenta nito sa iba’t ibang online platforms.

"If the government thinks that is the best way to support the industry, we don't have any problem with that," aniya.

"Ang online selling kasi, hindi namo-monitor ang pagbenta sa minors. Wala silang binabayarang rental, diyan nagsisimula ang price war. We don't tolerate the online selling of vape products lalo na bisyo 'to," paliwanag ni Chua.

RELATED VIDEO:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT