Paupahang gusali sa Maynila, nasunog | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Paupahang gusali sa Maynila, nasunog
Paupahang gusali sa Maynila, nasunog
ABS-CBN News,
Addie Cuadra
Published Jun 18, 2024 10:51 PM PHT

MAYNILA — Sumiklab ang sunog sa isang residential building sa Loyola corner Galicia Street, Sampaloc, Manila nitong Lunes ng hapon.

Ayon kay SF04 Solly Lim, station commander ng Bureau of Fire Protection Sampaloc, nag umpisa ang sunog dakong 5:43 ng hapon at agad itinaas sa unang alarma.

Nagsimula ang apoy sa ikatlong palapag ng gusali at kumalat ang apoy kaya nadamay ang ibang palapag.

Kwento ng SK chairman ng Barangay 397 na si Abrahm Songco, nakarinig sila ng pito mula sa mga guwardiya at nakita na lang nilang may usok na lumalabas mula sa isang bintana sa ikatlong palapag ng gusali.

“Nagsimula po yung sunog before 5 tapos nagsipito na yung mga guards sa tower tapos nakita namin nagsimula palang po yung sunog sa 3rd floor sa dulo tapos nag alarma lang kami na nagkakasunog na sa compound kaya tumawag ako sa BFP para ma respondihan ang sunog,” sabi ni Songo.

“Yung harap lang ng compound is yung sa 3rd floor, may lumalabas na usok and then mga 5 mins lumabas na po yung apoy,” dagdag niya.

Naapula ang sunog ng 6:22 ng gabi.
Naapula ang sunog ng 6:22 ng gabi.
Walang naiulat na nasaktan sa pangyayari at patuloy pa ring iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog.