Chinese na naaresto dahil sa baril at hacking devices, na-inquest na | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Chinese na naaresto dahil sa baril at hacking devices, na-inquest na

Chinese na naaresto dahil sa baril at hacking devices, na-inquest na

Raya Capulong,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Na-inquest na ang naarestong Chinese national na nanutok umano ng baril sa Makati City.

Nakumpiska din sa suspek ang baril at mga hacking device.

Ayon kay Philippine National Police Public Information Office acting chief at spokesperson Col. Jean Fajardo, sumailalim sa inquest sa Makati City Prosecutor's Office nitong hapon ng Biyernes ang Chinese at sinampahan ng reklamong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Law at RA 8484 o Access Devices Regulation Act of 1998.

Giit naman ni Fajardo na nakakaalarma sakali mang mapatunayang ginagamit nga ng Chinese ang mga nakumpiskang hacking gadgets sa scamming activities, spying o surveillance kung kaya't isasailalim nila ito sa forensic examination.

ADVERTISEMENT

"Alarming in the sense na it involves security of our nation kung totoo nga na after natin makapag-apply ng warrant to examine yung laman ng mga gadget ay makakakuha tayo ng mga incriminating evidence that would pinpoint to scamming activities, spying or surveillance, this is definitely alarming at yun yung talagang pag-aaralan natin kung may basehan itong mga, may mga naririnig tayong mga allegations pero hindi tayo basta pupuwede magrely lang sa mga allegation. Importante ay masuportahan ito ng mga ebidensya na maaaring makuha natin dito sa mga gadgets and other computer data na possible nating makukuha once we secure yung the necessary to warrant to examine those digital data," paliwanag ni Fajardo.

Sinabi naman ni Fajardo na posibleng may kasabwat ang suspek pero masyado pa aniyang maaga na sabihing espiya ito.

"There is a possibility na may kasabwat ito. Hindi natin dinidiscount ito dahil kung totoo nga na may makukuha tayong ebidensya that would warrant belief na they are engaged in surveillance and any illegal activities then definitely hindi pupuwedeng mag-prosper ng iisang tao lamang. So, there is a possibility na may mga kasamahan pa ito kaya nga sinabi ko kanina yung offer ng ating AFP counterparts is very much welcome," sabi ni Fajardo.

"May mga gadgets tayong nakuha sa kanya including yung mga drones and mga laptops. These will be subjected to forensic examination. Kailangan tayo mag-apply ng warrant to examine yun mga digital data to serve as additional evidence kung may mga additional tayong ikakaso. Ngayon kung ano yung mga laman nitong ating makikita doon whether this concerns national security then we have to check muna. As of now, it’s too early to say kung meron talaga tayong makikita na mga clear evidence that would pinpoint to possibly spying or scam activities," dagdag ni Fajardo.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.