FACT CHECK: Walang P5,000 cash assistance ang CHED para sa lahat ng graduating students | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
FACT CHECK: Walang P5,000 cash assistance ang CHED para sa lahat ng graduating students

ABS-CBN Investigative and Research Group
Published May 29, 2024 02:27 PM PHT
|
Updated Dec 13, 2024 09:30 PM PHT

Hindi totoong mamimigay ng P5,000 cash assistance ang Commission on Higher Education o CHED para sa mga graduating student sa lahat ng antas ng edukasyon, taliwas sa post na kumakalat sa social media.

Sa caption ng post ng Facebook page na “PRC News and Updates”, mababasa ang “CHED CASH ASSISTANCE 2024 for all Graduating Students 5,000 Pesos Cash Assistance to all Graduating students From elementary, highschool, college and vocational.”

Sa larawang kalakip ng post, makikita na ang P5,000 ay para diumano sa graduation expenses ng mga estudyante. Makikita rito na ang tanging requirement na hinihingi ay “Proof Of Graduating Student Only.”

Batay sa Republic Act (RA) No. 7722 o ang Higher Education Act of 1994, ang CHED ay may mandatong pamahalaan lamang ang tertiary at graduate education at hindi ang lahat ng antas ng edukasyon. Ang tertiary education ay ang antas ng edukasyon pagkatapos ng sekondaryang edukasyon o high school. Kabilang dito ang pormal na edukasyon sa pampubliko at pribadong unibersidad, kolehiyo, technical training institute, at vocational school.

ADVERTISEMENT
Ang iba’t-ibang uri ng tulong pinansyal para sa tertiary level, katulad ng scholarship, grant-in-aid, at student loan, ay pinapamahalaan ng Unified Financial Assistance System for Tertiary Education o UniFAST, isang ahensya sa ilalim ng CHED. Ito ay batay sa RA No. 10687 o ang UniFAST Act.

Sa opisyal na Facebook page ni CHED Chairperson Popoy de Vera, pinabulaanan niya ang mga kumakalat na pekeng impormasyon tungkol sa diumano’y cash assistance ng CHED at UniFAST. Ayon kay de Vera, hindi pa nagbubukas ang aplikasyon para sa Tertiary Education Subsidy (TES) Program ng CHED-UniFAST para sa academic year 2024-2025.

Ang TES na nabanggit ni de Vera ay isang uri ng tulong pinansiyal ng gobyerno para sa tertiary students na nakapaloob sa RA No. 10931 o Universal Access to Quality Tertiary Education Act. Bukod sa TES, ang Free Higher Education (FEI), Free Technical-vocational Education and Training (TVET), at Student Loan Program for Tertiary Education Short-Term (SLPTE-ST) ang ilan sa iba pang tulong pinansiyal ng gobyerno batay sa batas.

Kalakip din ng kumakalat na post ang isang link kung saan maaaring magparehistro ang mga estudyante. Pero kung pipindutin ang link ay mapupunta ang user sa isang blog site na may pangalang “SCHOLARSHIP 2024.”

Nanghihingi ang blog site ng ilang personal na impormasyon tulad ng pangalan, birthday, address at email address. Na-take down na at hindi na nagloload ang naturang link noong Abril 25, 2024.

Hindi ito ang unang beses na na-fact check ng ABS-CBN ang ilang posts na naglalaman ng mga maling impormasyon tungkol sa educational assistance ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

—with research from CJ Argallon, ABS-CBN Investigative and Research Group Intern
Kung kayo’y may alam na kahina-hinalang social media page, group, account, o website, artikulo, larawan, o impormasyong ipinapakalat sa mga messaging app, maaring makipag-ugnayan sa aming email factcheck@abs-cbn.com o Twitter account @abscbnfactcheck.
Read More:
CHED
Commission on Higher Education
UniFAST
scholarship
misinformation
disinformation