FACT CHECK: ‘Di totoong nagbukas na ang UniFAST scholarship application para sa SY 2024-2025 | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
FACT CHECK: ‘Di totoong nagbukas na ang UniFAST scholarship application para sa SY 2024-2025
FACT CHECK: ‘Di totoong nagbukas na ang UniFAST scholarship application para sa SY 2024-2025
ABS-CBN Investigative and Research Group
Published May 24, 2024 04:19 PM PHT
|
Updated Dec 13, 2024 09:30 PM PHT

Hindi totoong nagbukas na ng aplikasyon ng scholarship para sa school year (SY) 2024-2025 ang Commission on Higher Education–Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education o CHED-UniFAST. Hindi rin totoong mayroon itong scholarship para sa mga estudyante sa senior high school.
Ang post na ibinahagi ng Facebook page na “Uct Mcct Pantawidprogram” ay may caption na: “BAKA MAY KILALA KAYO NA GUSTONG MAGING SCHOLAR NGAYONG PASUKAN Libre na Tuition at may Allowance pa.” Ayon sa post, ang petsa diumano ng cashout ay sa Hunyo 9, 2024.
Sa larawan na kalakip ng post, inilapat ang seal ng CHED-UniFAST. Sinasabi rito na ang mga makatatanggap ng scholarship ay mga estudyanteng nasa senior high school at nasa 1st- hanggang 3rdyear college. Makakakuha diumano ang mga mag-aaral sa private school ng nasa P60,000 at ang mga nasa public school ng P40,000 kada taon.
Kaakibat ng post ang iba’t ibang link na maaaring puntahan ng mga interesadong mag-apply tulad ng link para sa requirements, qualifications, at application form.
Noong Abril 19, 2024, pinasinungalingan ng UniFAST sa isang Facebook post ang mga kumakalat na maling impormasyon tungkol sa mga scholarship program nito.
"The Commission on Higher Education-UniFAST reiterates its reminder to the public of these pages that post FAKE NEWS and share links leading to CLICKBAIT SCAM ADS," ayon sa post.
Ang UniFAST ay isang ahensya sa ilalim ng CHED. Ito ang nangangasiwa sa pagpapatupad ng Republic Act No. 10931 o Universal Access to Quality Tertiary Education. Wala sa mandato ng ahensya ang magbigay ng tulong sa mga mag-aaral na nasa senior high school.

Isa sa mga programa ng UniFAST ang Tertiary Education Subsidy (TES). Ito ay isang grant-in-aid program na nagbibigay ng pinansyal na tulong sa mga kwalipikadong mag-aaral sa kolehiyo na naka-enroll sa mga paaralang kinikilala ng CHED.

Noong Mayo 21, 2024, inilabas ng UniFAST ang opisyal na listahan ng mga kwalipikadong aplikante ng TES para sa kasalukuyang academic year o SY 2023-2024. Nilinaw ng ahensya na ang aplikasyon para sa susunod na academic year o SY 2024-2025 ay hindi pa nagbubukas.
Sa ilalim ng TES, ang benepisyaryong estudyante ay makatatanggap ng P20,000 sa isang academic year o P10,000 kada semester. Ang mga estudyanteng may kapansanan o persons with disability (PWD) ay makatatanggap ng karagdagang P10,000 sa isang academic year o P5,000 kada semester. At ang mga kumukuha naman ng board o licensure examination ay maaari ring makatanggap ng minsanang tulong na hanggang P8,000.00.
Isa pa sa mga programa ng UniFAST ang Tulong Dunong Program (TDP). Ito ay nagbibigay ng tulong sa mga kwalipikadong mag-aaral sa kolehiyo na may hindi hihigit sa P400,000 na kita ang pamilya.
Isa pa sa mga programa ng UniFAST ang Tulong Dunong Program (TDP). Ito ay nagbibigay ng tulong sa mga kwalipikadong mag-aaral sa kolehiyo na may hindi hihigit sa P400,000 na kita ang pamilya.
Samantala, ang Student Loan Program for Tertiary Education-Short-term basis (SLPTE-ST) ay nagbibigay ng tulong sa nais kumuha ng undergraduate studies, licensure exams review, o graduate studies at nag-aaral ng medicine and law.

Hindi ito ang unang beses na na-fact check ng ABS-CBN ang mga maling impormasyon tungkol sa mga scholarship program.
Mariing pinaalalahanan ng UniFAST ang publiko na huwag magbigay ng personal na impormasyon sa mga hindi berepikadong website.
“For your security and protection, never give out personal information to anyone unless you have verified the legitimacy of the social media account or the website. Follow only the official website and accounts of UniFAST and CHED Regional Offices for updates,” ayon sa UniFast
—with research from Hanah Coleen Reformado, ABS-CBN Investigative and Research Group Intern
Kung kayo’y may alam na kahina-hinalang social media page, group, account, o website, artikulo, larawan, o impormasyong ipinapakalat sa mga messaging app, maaring makipag-ugnayan sa aming email factcheck@abs-cbn.com o Twitter account @abscbnfactcheck.
Read More:
UniFAST
CHED
scholarship
misinformation
disinformation
ABS-CBN Investigative and Research Group
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT