Nurse na tumulong sa rider na sumemplang binaril sa Caloocan; 1 pa patay | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Nurse na tumulong sa rider na sumemplang binaril sa Caloocan; 1 pa patay

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Patay ang dalawang lalaki matapos pagbabarilin ng isang motorcycle rider sa Barangay 173 sa North Caloocan noong Linggo ng gabi.

Ayon kay Police Major Segundino Bulan, Commander ng Caloocan Police Sub-Station 9, unang binaril ang biktima na si Mark John Blanco, isang nurse.

Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, tinulungan ni Blanco ang suspek matapos sumemplang sa sinasakyang motorsiklo, habang binabaybay ang Congressional road. Hindi gumana ang motorsiklo matapos itayo ng nurse na ikinagalit ng suspek. Doon na pinagbabaril ng suspek ang biktima sa ulo at braso.

"Naawa siya dahil nakita niya, tinulungan niya itong suspek na itayo 'yung motor. Ngayon itong pagtayo ng motor hindi na mapaandar ng suspek 'yung motor kaya siya nagalit sa biktima. Bakit daw hindi na umaandar 'yung motor niya," sabi ni Police Major Bulan.

Agad humingi ng tulong ang isa sa mga babaeng nakakita sa krimen kaya lumabas sa bahay ang isa pa sa biktima na construction worker, pero binaril din siya sa dibdib ng suspek.

"Mayroon naman babae roon sumisigaw ng 'Tulong! Tulong!' Lumabas naman itong pangalawang biktima. Binaril din," dagdag ni Police Major Bulan.

Makikita sa CCTV na mabilis na tumakas ang suspek matapos ang krimen pero nahuli siya ng mga otoridad matapos niyang makabangga ng isang sasakyan.

"Bale po binallistic po 'yung baril na narecover at nagmatch naman po doon sa mga bala naano sa katawan ng namatay," sabi ni Police Major Bulan.

Nakakulong ngayon sa Caloocan Police Sub-station 9 ang suspek na sinabing hindi niya sinadyang barilin ang mga biktima.

"Hindi po. Humihingi ako ngayon ng tawad kahit kapalit ng buhay ko. Okay lang sa akin 'yon," sabi ng suspek.

Hindi lubos matanggap ng asawa ng biktimang nurse ang nangyari lalo na't naulila ang 5 niyang anak.

"Tumulong nga lang po. 'Yun nga sabi ng witness sa akin tapos ini-imagine ko 'yung mga pangyayari. Talagang napakasakit. Mabigyan lang ng hustisya yung bawat pamilya naiwanan. Mapagdusahan niya," sabi ng asawa.

Sinusubukan pang kunan ng pahayag ang kaanak ng nasawing construction worker.

Mahaharap sa reklamong double murder ang suspek.