'Walang kakainin': Ilang jeepney driver na di nagpa-consolidate, tuloy sa pamamasada | ABS-CBN
Featured:
|
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Walang kakainin': Ilang jeepney driver na di nagpa-consolidate, tuloy sa pamamasada

MAYNILA — Kahit tapos na ang registration para sa franchise consolidation nitong Abril 30, may ilang jeepney drivers pa rin na hindi nakarehistro at patuloy sa pamamasada nitong Huwebes ng umaga.

Isa na rito si Jonny Remendo na 38 taon nang jeepney driver na namamasada sa rutang Pasig-Taguig.

Ayon kay Remendo, hindi niya kaya ang gastusin sa pagkuha ng bagong jeep kaya hindi siya sumali sa franchise consolidation.

"Ayaw naman namin kumuha ng jeep na bago kasi utang din 'yun papaano namin mabayaran? Kaya mahirap po ang kalagayan namin ngayon," sabi ni Remendo.

Tuloy pa rin aniya siya sa pamamasada hangga't hindi pa sila inuumpisahang hulihin ng mga awtoridad.
"Natapos na ang tatlong araw na tigil-pasada, kagaya ho ngayon wala pa kami alam sa pinaglalaban namin pero kami tuloy pa rin ang paglalaban namin," ani Remendo.

"Mula 1984 driver na ako hanggang ngayon. Tapos sa isang iglap mawala kabuhayan namin? Eh diyan lang po kami talaga umaasa. Kung hindi po kami lumabas, wala po kami pagkain kawawa ang mga pamilya namin," dagdag niya.

Manibela to hold transport strike on May 2
Maaga ring namasada si Emmanuel Lacatan na isa ring jeepney driver na bumabiyahe sa Pasig.

"Ako nga nag-aalinlangan na bumiyahe, sinasabi ko nga eh wala naman magagawa walang kakainin ang pamilya. Ang hirap din na hindi babiyahe yung mga gastusin pang-araw-araw, 'yung mga estudyante pumapasok. Bayarin pa sa kuryente at bahay 'yun 'yung mga pinoproblema ko," sabi ni Lacatan.

Wala na aniya siyang makukuhang ibang trabaho kung titigil siya sa pamamasada.

"[Noong] 1999 pa ako nag-umpisa eh. Eh wala, mahihirapan tayo makahanap ng ibang trabaho. Sa edad ko na ito, wala na siguro kukuha sa akin na kumpanya," dagdag niya.

Pagsapit ng Mayo 16, mag-uumpisa nang manghuli ang mga awtoridad ng mga jeep na walang prangkisa at mga hindi sumali sa franchise consolidation.

KAUGNAY NA ULAT:
KAUGNAY NA ULAT:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT