Hindi haka-haka ang kagutuman, kawalan ng tirahan — Kadamay | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Hindi haka-haka ang kagutuman, kawalan ng tirahan — Kadamay

ABS-CBN News,
Jonathan de Santos
Published May 19, 2024 11:20 AM PHT
|
Updated May 19, 2024 12:21 PM PHT

MAYNILA — Kailangan lang mag-ikot ni Presidential Adviser on Poverty Larry Gadon para makita na ang kahirapan sa Pilipinas ay hindi “haka-haka” o kathang-isip lang, sabi ngayong Linggo ng opisyal ng isang samahan ng mga urban poor organization.

Iginiit kasi ni Gadon nitong Biyernes na nasa imahinasyon lang mga kritiko ng pamahalaan na humirap ang buhay dahil puno naman daw ng mga tao ang mga shopping mall at mga kainan sa bansa.

Pero para kay Mimi Doringo, ang secretary-general ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap, o Kadamay, si Gadon ang hindi nakatapak sa lupa.

“Sa bawat footbridge, hindi lamang isa kundi mahigit lima ang namamalimos,” sinabi niya sa panayam sa ABS-CBN News.
“Sa bawat footbridge, hindi lamang isa kundi mahigit lima ang namamalimos,” sinabi niya sa panayam sa ABS-CBN News.
ADVERTISEMENT
“Maraming mga ambulant vendor ang nakikipaghabulan para di makuha ng clearing operations ang kanilang paninda dahil ikawawala ito ng panggastos ng pamilya nila,” dagdag niya.

“Hindi imaginary yung pagdami ng mga kababayan nating nakalaranas ng involuntary hunger."

Ayon sa Social Weather Stations, nasa 14.2% ang nakaranas ng involuntary hunger — kawalan ng makakain kahit isang beses sa loob ng tatlong buwan — noong Marso kumpara sa 12.6% noong Disyembre.

POVERTY RATE
Ang mga Pilipino na hindi sapat ang kinikita para sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan ay sinasabing namumuhay sa kahirapan, o poverty.

Sa estimasyon ng Philippine Statistics Authority, kailangan kumita ng isang pamilyang Pilipino na may limang miyembro ng P13,797 sa isang buwan para sa kanilang “minimum basic food and non-food needs.”

Noong 2023, nasa 22.4 percent — o 25.24-milyong Pilipino — ang hindi nakakabili ng “minimum basic” na pangangailangan. Mas mababa ito sa 23.7 percent — o 26.14-milyong Pilipino — noong 2021, ayon sa datos ng PSA.

Ang mas mababa pa ang kinikita — o ang hindi kayang bumili ng kahit “basic food needs” — ay nasa 8.7% o nasa 9.79-milyong Pilipino noong unang kalahati ng 2023.

Bagamat bumaba ang poverty rate, sinabi ng IBON Foundation noon Disyembre na epekto raw ito ng pagluwag ng mga restriksyon noong pandemya.

“Poverty only seems lower because it’s compared to when the economy was locked down. Compared to the first semester of 2018, there are three million more poor Filipinos or 472,000 more poor families — even by the unrealistically low poverty line of just P91 per person per day,” sabi ng IBON sa isang pahayag noon.

(Tila bumaba ang kahirapan dahil ikinukumpara ito sa ekonomiya noong may lockdown pa. Kumpara sa unang kalahati ng 2018, mas marami ng tatlong milyong Pilipino o 472,000 na pamilyang Pilipino ang naghihirap — kahit pa napakababa na ng poverty line na P91 bawat tao kada araw)

Hindi malinaw kung saan galing ang datos ni Gadon, pero ayon sa kanya, bumaba daw ng 11 milyon ang bilang ng mahihirap mula sa 24.7 percent noong 2023 at 23.4 percent nitong taon.

Ayon sa Social Weather Stations nitong Abril, nasa 46% ng mga na-survey noong Marso ang tinuturing ang sarili na mahirap.

Bumilis naman ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin noong Abril — 3.8% kumpara sa 3.7% noong Marso, ayon sa PSA.

Mas ramdam ng pinakamahirap na mga Pilipino ang pagtaas ng presyo — 8.5% sa presyo ng pagkain at 5.2% sa pangkalahatan.

"Ang totoong haka-haka ay ang sinasabing makakatulong ang pagkapuwesto ni Gadon para resolbahin ang pagkakapuwesto ni Gadon para resolbahin ang kahirapang dinadanas ng maralita sa ating bansa," sabi ni Doringo nitong Linggo.

IBA PANG ULAT
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT