Miyembro ng 'dura dura gang' arestado sa Cavite | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Miyembro ng 'dura dura gang' arestado sa Cavite

Miyembro ng 'dura dura gang' arestado sa Cavite

Jeff Caparas,

ABS-CBN News

Clipboard

CAVITE —  Arestado ng Bacoor City Police ang isang 58 anyos na babae matapos na nakawin ang cellphone ng isang 35 anyos na babae habang lulan ng jeepney sa Barangay Niog nitong Biyernes, Mayo 10.

Ayon kay Lt. Col. John Paolo Carracedo, hepe ng Bacoor City PNP, miyembro ng dura dura gang ang suspek.

“They are a group of 3, mayroong nagpupunas, may kumukuha ng item ng biktima, may nagcocover din. Kasi nga good samaritan ang style. Pinupunasan then apparently tinatanya kinukuha gamit then eventually bababa rin sila,” aniya.

Sa salaysay ng biktima sa mga pulis, pauwi na siya nang mangyari ang krimen. Sumakay umano siya ng jeep sa Baclaran at tumabi sa kanya ang isang lalaki at doon may itinapon sa kanyang damit. Inabutan umano siya ng tissue ng kasabwat ng lalaki.

ADVERTISEMENT

Ang kapwa pasahero sa jeep ng biktima na si Ryan Santos ang nakakita at nagsabi sa biktima na i-check ang bag.

“Tinapunan na po ng ano yung isa para punasan yung damit ni victim para yun punasan na at i-ano na siya para ma distract na siya, bale hindi ko siya pinansin masyado noon, kala ko nagloloko lang. Once na pinupunasan na nila, tapos lahat sila may tissue, bawat isa sa kanila, sabi nung kumuha sa lalake sa bag, kitang kita ko kamay niya, sabi sa mga kasama niyang babae tissue tissue hanggang mapunasan. Ibig sabihin pala nun tissue na yun paikot sa ibang jeep eh gumagalaw na kamay niya,” kwento niya.

Nang makita niya ito, kahit hindi pa bababa ng jeep, pumara siya nang makakita ng tanod at tinulungan ang biktima. Inunahan umano siya ng ibang suspek na bumaba kaya nakatakas ang mga ito.

Agad na-turnover sa mga pulis ang suspek na gumagamit umano ng iba-ibang pangalan. May impormasyon din ang pulisya na sangkot sa iba pang modus ang suspek gaya ng pambubudol at salisi.

Aminado naman ang suspek sa ginawa. Ayon sa kanya, matinding pangangailangan ang nagtulak sa kanya para sumali sa grupo.

“Hindi naman dura-dura gang yun marami naman kasi Sir diyan hindi naman, ako napasama ako kasi na-stroke ako, ngayon napasama lang ako gawa nang siyempre wala rin akong pamilya, mahirap pambili gamot napasama ako, pero hindi dura lotion lang inilagay,” aniya.

Siya umano ang tiga takip ng iba pang pasahero sa jeep na posibleng makakakita sa pagnanakaw.

“Takpan ko lang yung tao, kunwari ikaw makakita ka takpan kita,” sabi niya.

Pinasoli niya na umano ang ninakaw na cellphone sa biktima dahil naawa siya rito.

Mahaharap sa reklamong theft ang suspek na nasa kustodiya na ng Bacoor City Custodial Facility.

Patuloy ang pagtugis sa mga nakatakas na kasabwat ng suspek.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.