Alamin: Karapatan ng student journalists | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Alamin: Karapatan ng student journalists

Alamin: Karapatan ng student journalists

Patrol ng Pilipino

 | 

Updated May 11, 2024 05:33 PM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA — Mahalaga ang ginagampanang papel ng campus journalists bilang tagasulong ng mga balita o impormasyon sa loob o labas man ng paaralan.


Pangunahing batas ng peryodismong pampaaralan sa Pilipinas ang "Campus Journalism Act of 1991" na layong maprotektahan ang mga campus journalist at mapaunlad ang kanilang kakayahan–na iniakda ni dating senador at media man Orlando "Orly" Mercado.


Sa ilalim ng nasabing batas, hindi puwedeng ma-expel sa paaralan ang isang campus journalist dahil lang sa naisulat niyang article o pagganap sa kanyang tungkulin sa loob ng student publication.


Dagdag pa rito, may bahagi sila sa “subscription fees” na kinokolekta ng kanilang school administration na hindi maaaring harangin mula sa pondo ng paaralan at iba pang sources na nakalaan sa student publication.


Sa kabila nito, hindi pa rin nakaligtas ang mga campus journalist sa banta ng suppression sa loob ng mga paaralan.

Para kay Associate Professor Danilo Arao ng Department of Journalism sa University of the Philippines Diliman, mayroong mahalagang papel ang campus journalism sa paghubog ng opinyon ng publiko at sa mas malalimang pagsusuri ng mga importanteng isyu sa bansa.

Sinusulong ng ilang mambabatas at grupo na mapalakas ang batas lalo’t hindi na lang sa mga paaralan nakakaabot ang campus journalism kundi pati na rin sa social media.

– Ulat nina Andrei Angeles, Jamaica Bayaca, Jade Fernandez, Shannen Go, Rafael Lapore, Michael Francis Morales, at Mark Angelo Timbreza, Patrol ng Pilipino Interns


ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.