20 bahay nasunog sa Malate; naiwanang kandila posibleng sanhi | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

20 bahay nasunog sa Malate; naiwanang kandila posibleng sanhi

20 bahay nasunog sa Malate; naiwanang kandila posibleng sanhi

Karen De Guzman,

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Barangay 753, Arellano Avenue sa Malate, Maynila nitong Biyernes ng umaga. 


Ayon sa residente na si Allan Jerome Castro, nagising sila sa sigawan na may sunog. Sinubukan pa nilang magkakapitbahay na apulahin ang apoy gamit ang mga hose.


“Wala rin po, hindi rin po kaya. Pinatay na po namin ‘yung mga breaker sa bahay. Umapoy na po doon sa taas hanggang doon sa baba,” sabi ni Castro. 


Minabuti na rin ni Merlinda Palaña na ilikas ang mga gamit kahit hindi pa naaabot ng sunog ang kanilang bahay. 


“Kita namin dalawang bahay pa, sabi ko hakutin niyo na lahat pero meron pa rin dun. Hindi pa lahat ‘yan. Mahirap na pong magtiwala,” sabi ni Palaña.


Sa ulat ng BFP, pasado alas-5 ng umaga nagsimula ang sunog na agad nilang itinaas sa ikalawang alarma kung saan hindi bababa sa 8 fire trucks ang kailangan rumesponde. 


“‘Yung bahay na involved po is made of light materials po. At saka ‘yung daanan po medyo makitid. Kailangan po natin ng maraming suplay ng tubig,” ayon kay SFO4 Anne Padilla, Commander ng Paco Fire Station.


“Isa pa po ‘yung challenge kanina ‘yung mga live wire ng kuryente natin. Inaano po natin na mas bilisan po nila ‘yung action kasi napakanganib po para sa ating mga bumbero, lalo na po sa ating mga kababayan po,” dagdag ni SFO4 Padilla.


Mag a-alas-7 ng umaga tuluyang naapula ang apoy na tumupok sa nasa 20 bahay at nakaapekto sa nasa 30 pamilya ayon sa barangay. 


Hinala ni Punong Barangay Rommel Bernardo, ang naiwanang kandila ang posibleng sanhi ng apoy. 


“Nakita ko sila na nagkakandila sila kaya sinita ko na ‘yan. Sinabihan ko sila na babantayan kasi kuryente load lang ata ‘yung kuryente nila,” sab ni P/B Bernardo. 


Pansamantalang manananatili sa basketball court ang mga residente.


Walang naiulat na nasawi o nasugatan sa insidente. 


Inaalam pa sa ngayon ng BFP ang pinagmulan ng apoy. 

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.