ALAMIN: Mga legal na hakbang laban sa asawang nangangaliwa | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Mga legal na hakbang laban sa asawang nangangaliwa

Larawan kuha ni Mark Demayo, ABS-CBN News

MAYNILA — Naging usapan kamakailan ang pangangaliwa ng lalaki at babaeng pulis — na nahuli ng kanila mismong mga asawang pulis din — na nagtatalik umano sa isang parking lot ng isang mall sa Laguna.

Maaksiyon ang eksena dahil nauwi sa barilan ang pangyayari.

Pinaputukan ng babaeng asawa ang nangangaliwa niyang lalaking asawa at tinamaan ito sa balikat, habang binaril naman ng isa pang lalaking asawa ang gulong ng sasakyan ng nagtaksil umano niyang babaeng asawa.

Pero ano-ano nga ba ang mga legal na hakbang na puwedeng gawin ng mga may kabiyak na nangangaliwa?
Pero ano-ano nga ba ang mga legal na hakbang na puwedeng gawin ng mga may kabiyak na nangangaliwa?
ADVERTISEMENT
LEGAL SEPARATION
Ayon kay Atty. Noel del Prado, isa sa host ng "Hello Attorney" sa TeleRadyo Serbisyo, maaaring gamitin ang pangangaliwa o marital infidelity bilang basehan ng legal separation ng mag-asawa.

Sa legal separation, kasal pa rin ang mag-asawa at hindi pa rin sila puwedeng magpakasal ulit. Puwede lamang mawala ang share ng nangaliwang asawa sa kanilang conjugal properties tulad ng bahay at lupa, ayon kay Del Prado.

"Hindi na legally obligated 'yung wife or 'yung husband na magsama sila sa iisang bubong kasi 'yun 'yung marital obligation in one house under one roof 'yun 'yung kumbaga ang mare-release sa mga nonoffending spouses," dagdag niya.

PSYCHOLOGICAL ABUSE
Puwede ring gamitin ang marital infidelity bilang basehan ng psychological abuse, sabi ni Del Prado.

"Debatable" pa aniya kung puwede itong gamitin ng lalaking asawa pero malinaw aniya na puwedeng magsampa ng kriminal na kaso ang babaeng asawa kaugnay ng marital infidelity bilang isang psychological abuse.

PSYCHOLOGICAL INCAPACITY
Kung gusto namang maghain ng annulment ang asawa, ani Del Prado, ang hamon ay paano "mata-transform itong pangangaliwa into psychological incapacity."

Hindi kasi puwedeng gamiting basehan ang pangangaliwa sa annulment. Isa ang psychological incapacity sa puwedeng gamitin. Pinipili ng iba ang annulment dahil puwede ulit magpakasal ang mag-asawa matapos ang annulment. Ituturing na parang walang kasal na nangyari.

Ani Del Prado, kailangang mapatunayan ang kondisyon ng psychological incapacity bago o malapit bago ang kasal, habang kasal, at matapos ang kasal.

"Noong mag-boyfriend, girlfriend pa sila nangangaliwa na, at near the time of their marriage meron din siyang mga fling-fling or na-witness din 'yung pangangaliwa. Halimbawa may text message around that time na merong nagfi-flirt or merong karelasyon whatever para mapatunayan na hindi niya talaga kayang maging faithful," ani Del Prado.

"Dito 'yung incident na nahuli sila[ng nagtatalik] 'yun 'yung incident na [puwedeng] magpapatunay na meron pa siyang psychological incapacity as indicated by marital infidelity after the marriage," sabi niya.

CHILD SUPPORT
Nang tanungin kung puwedeng humiling ng suporta sa anak mula sa nangaliwang asawa, sabi ni Del Prado ay obligado siyang magbigay ng child support kasal man sila ng kaniyang kinakasama o hindi.

"Pag hindi sila kasal, hindi lang siya obligadong magbigay ng suporta doon sa kinakasama dahil wala siyang obligasyon, hindi naman sila kasal. Pero sa mga anak whether legitimate or illegitimate obligadong magbigay ng child support," aniya.

PRIVATE INVESTIGATOR
Samantala, kung kinukutuban naman ang asawa na nangangaliwa o nagchi-cheat ang kaniyang asawa, puwede siyang kumuha ng isang private investigator para mangalap ng mga ebidensiya laban sa nangangaliwang asawa.

Pero paalala ni Del Prado, dapat makuha ang mga ebidensya sa mga legal na paraan dahil posibleng hindi sila tanggapin ng korte.

"Hindi magta-tap ng phone. Usually 'yung mga kumukuha ng pictures nasa labas ng opisina, papasok sa motel, 'yung mga gano'n mga pictures or video puwede 'yun legal 'yun basta walang invasion ng privacy. Kasi pag may violation ng rights or na-obtain through illegal means hindi 'yun competent evidence, ibabasura 'yun ng korte," aniya.

"Pero 'yung private investigator marurunong naman 'yan, mga dati 'yang pulis eh. Kumbaga, alam nila 'yung evidence."

PANOORIN:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT