Mga delivery rider magsa-strike laban sa komisyon, kakulangan ng proteksyon | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga delivery rider magsa-strike laban sa komisyon, kakulangan ng proteksyon

ROBERT MANO,
ABS-CBN News
Published Apr 29, 2024 01:08 PM PHT

Riders navigate along the exclusive motorcycle lane along Commonwealth Avenue in Quezon City on Monday, March 27, 2023.

MAYNILA — Magkakaroon ng nationwide booking strike ang mga rider at driver ng mga courier service sa May 1, ang Araw ng Paggawa.

Nasa 50,000 ang lalahok sa kilos protesta laban sa malaking porsyento na inaawas sa kanilang mga rider at sa kawalan ng proteksyon sa trabaho, ayon kay Mhon Pantoja ng Coalition of Couriers and Shippers Services Inc. at na pangulo rin ng Lalamove Drivers Association.

"Sobrang babad sa initan ng araw. Ilang oras sa trabaho na hindi sumasapat yung kanilang kinikita. Bilang pakikiisa sa darating na May 1 ay nationwide po kaming strike booking. Lahat po: [National Capital Region], Pampanga, Calabarzon, Davao, Cebu," sinabi ni Pantoja sa isang press conference sa UP Diliman.

Kabilang pa sa kanilang hinaing ay ang pagbaba sa 10% ng komisyon na kinukuha sa kanila ng mga app. Masyado na raw kasing mahal ang mga piyesa ng sasakyan kaya wala na halos kinikita ang mga "driver-partner".

Kulang din daw sila sa proteksyon, kabilang ang insurance.

Sa ilalim ng mga patakaran na inilabas ng Department of Labor and Employment noong 2021, nakakatanggap dapat ng mga benepisyo tulad ng overtime pay at proteksyon ang mga empleyado ng mga delivery service.

Ang mga independent contractor ay hindi sakop ng mga patakaran ng Labor Code dahil walang kinikilalang employer-employee relationship sa pagitan nila at ng mga shopping at delivery app.

Bukod sa booking strike, lalahok din ang kanilang mga miyembro sa kilos protesta sa Labor Day at magmamartsa pa-Mendiola sa Maynila.

Ngayon taon, kasabay ng mga kilos protesta para sa Araw ng Paggawa ang tigil-pasada na sinimulan ng grupong PISTON ngayong Lunes.