Bus bumangga sa 7 sasakyan sa Commonwealth: 3 patay, 17 sugatan | ABS-CBN

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bus bumangga sa 7 sasakyan sa Commonwealth: 3 patay, 17 sugatan

Bus bumangga sa 7 sasakyan sa Commonwealth: 3 patay, 17 sugatan

Lyza Aquino,

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 30, 2024 02:42 PM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.



Patay ang tatlong katao habang 17 ang sugatan matapos banggain ng isang pampasaherong bus ang isang UV express, taxi at 5 motorsiklo sa Commonwealth Avenue sa Quezon City, mag-aalas diyes Lunes ng gabi.

Kwento ng driver ng bus, galing sila ng Sapang Palay sa San Jose Del Monte, Bulacan at papunta sa Quezon Avenue nang mawalan umano sila ng preno habang binabaybay ang Fairlane sa Commonwealth Avenue.

"Nagkaproblema sa preno po, may bakal na umusli sa may ano. May brake pa naman po nung nasa North Fairview kami, nung papunta na kami dito umusli 'yung bakal dun sa preno. Nakastop stoplight, pa-brake na po ako hindi na po kumagat 'yung preno. 'Yung motorsiklo ang nauna natumbok tapos tinumbok ko na sa UV, hindi po nakayanan tumuloy pa po," kwento ng bus driver.

"Bale galing po siya sa kaliwa, pagkanan niya po dun sa stoplight ng Fairlane sabi nya daw po 'yung pinakabakal sa preno niya lumabas daw po. Bale 'yung bakal na po 'yun kumalang dun sa pinakapreno po," kwento naman ng konduktor ng bus.

ADVERTISEMENT

Tumama muna sa hilera ng mga motorsiklo ang bus bago ito bumangga sa UV express at taxi.

Ayon sa paunang ulat mula sa QCPD Traffic Sector 5, dead on the spot ang isa sa mga rider na pumailalim sa bus. 

Wasak naman ang kanang bahagi ng UV express kung saang namatay sa ospital ang dalawa sa mga pasahero. Sugatan naman ang walo pang pasahero ng UV express.

"Naka-istop po kami sa may Fairlane sa stoplight. Maya-maya na lang po rumaragasa na lang po 'yung bus sa likod ko. Bumangga na po sIya sa likod po sa kanan. Sampu po 'yung sakay ko sa sasakyan, lahat po may sugat. Sabi po nung isang bata na nasa likod, tulungan daw po 'yung mama niya na ilabas sa sasakyan, eh 'yung likod ko po kasi hindi na po mabuksan dahil yuping-yupi po 'yung sa kanan," kwento ni Marvin Antor, driver ng nabanggang UV Express.

Nagtamo naman ng minor injury ang isa sa mga nabanggang rider na si James Dela Cruz.

ADVERTISEMENT

"Inabot na ako ng bus, tumalsik ako, kinaladkad ako. Nakaharang na yung nmax sa harapan ng bus kaya hindi na ako napailalim. Pero 'yung kasama ko sa nmax nasa ilalim (ng bus), at 'yung sniper, 'yun 'yung inabot ng bus sa ilalim. Gasgas lang atsaka medyo masakit ang balakang," sabi ni Dela Cruz.

Humihingi naman ng tawad ang bus driver sa nangyari.

"Ako po ay humihingi po ng paumanhin. Hindi ko po sinasadya 'yung ano, aksidente po yung nangyari," sabi ng bus driver.

Kasalukuyang nakakulong sa QCPD Traffic Sector 5 ang driver ng bus na mahaharap sa reklamong reckless imprudence resulting in multiple homicide, multiple injuries, at damage to property.

Sinabi naman ng Land Transportation Office (LTO) na iniimbestigahan nito ang insidente at ipapatawag ang driver at may-ari ng bus.

ADVERTISEMENT

Sinuspinde na rin anila ang lisensya ng bus driver. 


ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.