30 bahay naabo sa sunog sa Barangay La Huerta, Parañaque | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
30 bahay naabo sa sunog sa Barangay La Huerta, Parañaque
ABS-CBN News
Published Apr 30, 2024 07:20 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

PARAÑAQUE - Aabot sa 30 na bahay ang natupok matapos sumiklab ang sunog sa ang isang residential area sa Barangay La Huerta, Parañaque City Lunes ng gabi.

Ayon sa mga residente, sumiklab ang apoy bago mag-alas-7 ng gabi.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog at natuluyang naapula pasado alas-9 ng gabi, ayon kay FSInsp. Mark Tuto, Chief Operations Section ng BFP Parañaque.

Sa sobrang laki ng apoy, nadamay ang bahagi ng katabing paaralan.
Sa sobrang laki ng apoy, nadamay ang bahagi ng katabing paaralan.
ADVERTISEMENT
“Sa estimated, around 30 houses ang nasunog sa likod. Then may nadamay na school. 'Yung fourth floor ng school is nasunog,” sabi ni FSInsp. Tuto.

“Yung classroom niya sa fourth floor, naanuhan siya ng apoy. Gumapang 'yung apoy sa kisame ng bawat classroom kaya mabilis yung pagkalat,” dagdag niya.

Wala pang pahayag ang eskwelahan sa nangyaring sunog.

Sabi ng BFP, naging hamon para sa kanila maapula ang sunog dahil masikip ang mga daanan sa lugar.

“Yung mga kalsada sa likod maliliit, makikitid. Saka nga light materials 'yung kabahayan sa likod," ani Tuto.
“Yung mga kalsada sa likod maliliit, makikitid. Saka nga light materials 'yung kabahayan sa likod," ani Tuto.
ADVERTISEMENT
Pansamantalang manunuluyan sa mga tent ang mga pamilyang nawalan ng tirahan bago sila ilipat sa kalapit na paaralan.

“Evacuation plan po namin doon sa La Huerta Elementary School. Pero as of now, nagtatayo muna kami ng tents,” sabi ni Bgy. La Huerta Sangguniang Kabataan Chairman Hannah dela Cruz.

Sa bilis kumalat ng apoy at kapal ng usok, walang naisalbang gamit ang mga lumikas na residente.

“Lumaki na po 'yung apoy hindi na po kami nakapasok kasi malapit na po. Tatlong hakbang lang ho 'yung nasunog. Bahay namin tapos tatlong lakad na po,” kwento ni Melody Mendaros na dalawang dekada na nakatira sa lugar.

“Yung mga gamit ng anak ko lang, yung mga birth certificate lang. Yung asawa ko tumulong nagaano ng apoy imbis na maghakot…. Kaya hindi na kami nakapaghakot ng gamit,” dagdag pa niya.

Dahil sa sunog wala pang kuryente sa lugar.

Patuloy na iniimbestigahan ang pinagmulan ng sunog at halaga ng pinsala dito.