PNP chief Marbil: Di kailangan magdeklara ng war on drugs | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

PNP chief Marbil: Di kailangan magdeklara ng war on drugs

PNP chief Marbil: Di kailangan magdeklara ng war on drugs

Raya Capulong,

ABS-CBN News

Clipboard

Sa unang pagharap sa media bilang bagong hepe ng Philippine National Police (PNP), inilatag ni Gen. Rommel Francisco Marbil ang kanyang mga nais isulong na patakaran sa organisasyon. 

Sa ilalaim ng kanyang termino, iginiit ni Marbil na hindi niya kailangang magdeklara ng war on drugs para magkaroon ng drug-free na komunidad.

Ayon sa opisyal, hindi niya ipag-uutos na magparamihan ng huli at kumpiska ng ilegal na droga.

"Ang gusto namin is ano talaga, hindi yung paramihan kasi napipilitan ka eh. Sige magparamihan tayo ng huli, pero you don’t solve the problem.. Now it’s more of key performance indicator based doon sa kanya-kanyang regions. Ano ba specific na problema ng regions mo then we will base yung sa performance mo," sabi ni Marbil.

ADVERTISEMENT

"Wala po kaming giyera dito. Hindi ito giyera na kailangan. It’s more of talaga na papaano natin mapapababa yung crimes natin based doon sa mga parameters natin. I don’t want to say na may drug war, parang giyera na naman kami," dagdag niya.



Nagbabala rin si Marbil sa mga pulis sa paggamit ng cellphone habang naka-duty.

"This is my first and last warning, no cellphone during duties. We need patrol, pagkanahuli ka naming nagse-cellphone, there will be no forgiveness. Very strict kami diyan. Gusto namin duty, duty, kapag patrol, patrol. Andito yung mga commanders natin. I need beat patrols, gusto ko maramdaman ng tao yung mga pulis natin sa baba," ani Marbil.

Hindi rin muna magpapatupad ng malawakang balasahan sa senior officers ang bagong hepe ng PNP.

"I do not do that kasi pagka ginawa mo yung reshuffle na 'yun magiging unstable yung unit eh... We will be coming up with a better parameter to be measured. Kung hindi mo kaya ito, then we will give you a chance to improve. Kung hindi mo talaga kaya, then we will get a better commander," paliwanag ni Marbil.

Sa halip na magpatupad ng internal cleansing, mas nais ng opisyal na magtakda ng pamantayan na magsisilbing gabay sa mga pulis.

"Yung internal cleansing always look at pulis natin na masama eh. Every time na nag-internal cleansing kami, laging sinasabi niyo changes. You know mababait yung mga pulis natin kaya nga sabi natin we go for leadership by example," sabi ni Marbil.

"Ang kailangan lang natin hindi po internal cleansing. We just come up with better measurements for our policemen na dapat ito ang standard na hahabulin niyo. You cannot cope with the standard then we will teach you how," dagdag niya.

Balak ni Marbil na ituloy ang mga magandang programang nasimulan na ng mga nakaraang PNP chief para mapababa ang bilang ng krimen sa bansa.

"We will just continue yung lahat ng nagawa ng mga predecessors natin... hindi kagaya dati na everytime there is a new chief PNP, he comes with new programs na narerealign yung mga anong priorities natin," sabi ni Marbil.

Tututukan din ng opisyal ang Anti-Cybercrime Group habang plano rin nitong mag-invest sa mga pasilidad at kumuha ng mga eksperto na makatutulong sa mga pulis na paigtingin ang kanilang mga hakbang para mapigilan ang cybercrime.

Sa unang Command Conference bilang PNP Chief sa Camp Crame kaninang umaga, binigyang diin ni Marbil sa mga pulis na gawin lang ang kanilang trabaho.

Nais din ng bagong upong hepe ng PNP na mas paigtingin ang kanilang serbisyo publiko para mas maramdaman aniya ng publiko na ligtas sila.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.